Boyprend
Ang swerte mo kung may boyprend kang handang magpakatanga makita ka lang masaya. Yung lalaking napakabait. Yung lalaking hindi mayamaan pero mayaman naman sa effort. Yung lalaking handang tiisin ang pangangat at kurot mo. Yung lalaking hindi ka nakakalimutan itext ng "good morning at good night" messages. Yung lalaking hindi nahihiya na ipakilala ka sa buong mundo. Yung lalaking sasabihan ka ng "napakaganda mo" kahit ang haggard mo na. Yung lalaking hahawakan kamay mo kahit pasmado ka. Yung lalaking kayang i-handle ang pagka moody mo at hinding-hindi nagsasawa na lambingin ka. Yung lalaking sasabayan ka sa trip mo. Yung lalaking mag popost ng picture mo with matching sweet caption. Yung lalaking imomotivate ka na maging better person. Yung lalaking takot na magalit ka. Yung lalaking hindi titigil hanggat hindi kayo nagkakabati. Yung lalaking hindi sanay na hindi ka nakakatext or nakakachat man lang. Yung lalaking laging magtetext/chat sayo ng 'I miss you" "i love you". Yung lalaking hindi nawawalan ng oras sayo yung gagawa siya ng paraan para makita/makausap ka. Yung lalaking araw-araw sasabihin sayo yung plano niya para sa future niyo. Tang ina ang swerte mo kung ganyan boyprend mo. Wag mo na pakawalan pa 😊









