Umuulan nanaman.
Naaalala ko nanaman ang...
mga panahong inosente pa tayo. Malayang nagtatampisaw sa ilalim ng umiiyak na langit. Masayang humahalak sa bawat pagdampi ng patak ng ulan sa ating katawan. Di mawari ang ligayang hatid ng pagbuhos ng luha ng langit sa lupa.
Pero nagbago ang lahat nang makilala kita...
Simula noon, hindi ko na magawang sumaya sa pag-iyak ng langit. Sapagkat kasabay no’n ay ako. Ang pagbagsak ng luha ko sa mga markadong papel na naging depinisyon na ng aking buong pagkatao.
Kasabay ng pagbagsak ng ulan ay ang pagbagsak ng aking mga grado. Kingina this life.













