Hindi kita masisisi, hindi ko magawang magalit sa kinahinatnan nating dalawa. Sa desisyon na parehas tayo nagkasundo kahit na alam nating masakit, pero ito lang yung paraan para matagpuan uli natin ang isa't isa.
Hindi ko mapapangako na makakapaghintay ako ng matagal.. pero hindi ko bibitawan ang nararamdaman ko sa kasalukuyan, para sayo, at hahayaan ko na lang ang panahon na humusga kung dapat pa ba, kailangan na ba, kaya pa ba ng puso ko umasa na.. babalik ka pa at maitutuloy pa natin ang naudlot na storya nating dalawa..









