5 FAQ of non INC members to INC members. (tagalog)
Sa artikulong ito'y pagsasamasamahin ang ilang mga katanungang naririnig natin sa sa mga taong hindi pa kaanib sa loob ng Iglesia ni cristo. Bibigyang sagot ito. At ang mga sagot dito ay pawang katotohanan at nagmula sa bibliya. Dahil lahat ng aral ng Iglesia ni cristo ay bibliya lamang ang batayan.
Maaari rin kayong magtungo sa pinaka malapit na kapilya upang mag tanong sa mga bagay na gusto nyong malaman tungkol sa Iglesia ni cristo.
Maaari rin kayong mag suri upang malaman ang mga salita at tunay na aral ng Diyos.
Ang mga sagot dito ay tunay Nguni’t kaming mga myembro ay nagbibigay kaalaman lamang at hindi sapat itong mga kaalamang ipinamamahagi namin. Mas mabuti nang makarinig kayo ng pagtuturo mula sa aming mga ministro at manggagawa. Mas maipapaliliwanag nila ito ng mabuti Duon mas malilinawan kayo at mas kumpleto ang talatang babasahin nila. Dahil sila ang eksperto pag dating sa pag aaral ng biblia. Kaya inaanyayahan ko kayo upang makinig sa mga pamamahayag ng mga salita ng Diyos.
Narito ang limang kadalasang tanong.
1. BAKIT KAILANGAN NYO PA KAMING AKAYIN EH MERON NAMAN NA KAMING RELIHIYON. AT ISA PA IISA LANG NAMAN ANG DIYOS NA SINASAMBA NATIN.
Una Mali ang Inyong paniniwala na IISA lang ang Diyos na ating sinasamba sapagkat ang ibang relihiyon ay sumasamba sa iba’t ibang larawan o rebulto sa Santo kay Maria, kay Allah, kay buddah, sa tatlong persona, may kumikilala din naman sa Diyos ama at Diyos anak lamang. At May kumikilala naman sa nag IISANG Diyos lamang. - ang Ama.
Sa gayon masasabi nyo parin ba na IISA lamang ang sinasamba ng tao?
Hindi lahat ng relihiyon ay sa Diyos. IISA lamang ang itinatag ni Cristong Iglesia at hindi marami. Dapat ang paniniwala ay nakasalig lamang sa banal na kasulatan.
Sabi nga ni cristo “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Mat 7:21
Kaya’t kung Mali man ang paraan mo ng pag samba sakaniya at wala ka sa tunay na Iglesia, walang kabuluhan yon. Dapat natin sundin ang kalooban nya hindi ang sarili mong kalooban.
Kaya namin kayo walang sawang inaanyayahan ay dahil dito
Sa bagong tipan ng biblia, ang IISA, Tunay, at natatanging Iglesia ay itinayo mismo ng ating panginoon jesucristo. Mat 16: 18
Tinawag ito sa panga lang Iglesia ni cristo roma 16:16 new fil. Version
Ang Iglesia ni cristo ang tanging binili ng mahalagang dugo ng ating panginoon hesukristo. Gawa 20:28 lamsa translation
Ipinag utos ng tagapagligatas na dito pumasok o umanib ang sinoman upang maligtas Juan 10: 7
At ang katotohanang ito na siyang kalooban ng Diyos ay itinuro rin ng mga apostol.
" Sila ay nagpupuri sa Diyos at kinaluluguran ng lahat ng mga tao. Idinagdag ng Panginoon sa kapulungan araw-araw ang mga naliligtas.”
Samakatuwid, sa panahong kristiyano, ang tao ay kailangan ilagay o dalhin sa loob ng Iglesia ni cristo upang maisagawa ang tunay na paglilingkod sa Diyos.
Ang mga nagsasabing hindi na raw kailangan ang Iglesia upang makapagsagawa ng paglilingkod sa Diyos ay dapat na mag suri na ng mabuti.
Kung pare pareho lamang ang lahat ng relihiyon bakit inilagay pa ng Diyos at ni cristo sa loob ng Iglesia ni cristo si apostol Pablo? Gayong dati na syang masigasig sa pag samba at paglilingkod sa Diyos? Katulad din sya nuon ng maraming tao ngayon na aktibo sa kani kanilangkinabibilangang pangkating relihiyon.
Kung lahat lamang ay magsasalig ng pananampalataya sa biblia, mauunawaan nilang may IISANG Diyos at kay kristong dapat nilang aniban. - ang Iglesia ni Cristo.
Maraming tao ang nagbibiro na kesyo daw bakit bumaba ba si cristo mula sa langit nung 1914 para itatag itong Iglesia nya. Nuon pa naman nya ito itinatag ah.
Alam nyo ba na natalikod ang Iglesiang itinayo ni cristo dahil sa mga bulaang propeta? Kaya laganap ang katolisismo dahil nuon ay pinagpapatay ang mga taong ayaw sumunod sa mga pari. Ang mga nabuhay ay sunud sunuran hanggang sa maisalin na sakanilang mga salinlahi ang mga maling tradisyon o mga gawaing hindi naman kay kristo. Taliwas din sa utos ng bibliya.
Kumbaga utos lamang ng tao karamihan ng aral ng katoliko. Sana magising ang mga kababayan natin tungkol dito.
Nguni’t paano nga ba nagkaroon ng Iglesia ni cristo sa pilipinas.?
Totoo po ba ang sinasabi nila na ito ay itinatag lamang ng kapatid na Felix Manalo?(kinikilala naming sugo ng Diyos sa mga huling araw) (Juan 13:20) (Isa. 46:11)
Ang totoo po, ang Iglesia Ni Cristo na nagmula sa Pilipinas ay itinatag ni Cristo sa pamamagitan ng hula.
→ Mula sa MALAYONG SILANGAN dadalhin ko ang iyong lahi, at mula sa malayong kanluran titipunin kita.
Ang malayo na tinutukoy na pagmumulan ng ibang mga tupa ay ang MALAYONG SILANGAN.
Aling bansa sa MALAYONG SILANGAN ang tinutukoy sa hulang ito ni Propeta Isaias?
World History, p. 445 (nina Arthur Boak, Preston Slosson, at Howard Anderson)
→ “Ang PILIPINAS ay naging bahagi ng Espana sa unang kilusang pananakop sa MALAYONG SILANGAN …”
★Asia and the Phil., p.169 (ni Horacio dela Costa)
→ “Hindi maaring mawalan ng kabuluhan na ang bansa na halos nasa gitnang pangheograpiya ng MALAYONG SILANGAN, na ito ay ang PILIPINAS, ay siya ring bansang kinatatagang mabuti ng Cristianismo …”
Lilitaw Muli sa mga WAKAS NG LUPA ang Iglesia ni cristo.
Kabilang sa mga pangyayaring makikita ayon kay Cristo kung ang panahon ay nasa mga wakas na ng lupa ay mga digmaang aalingawngaw :
“ At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito'y mangyari datapuwa’t hindi pa ang wakas.
Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. ”
Ang mga digmaang ito ay mapababalita(Mat.24:6, MB) sa buong mundo sapagkat ang mga digmaang ito mismo ay pambuong mundo.
Sa kasaysayan, may dalawang digmaang pandaigdig, WORLD WAR I(Unang Digmaang Pandaigdig) at WORLD WAR II(Ikalawang Digmaang Pandaigdig), na naganap halos 19 na siglo ang layo sa panahon ng Iglesiang pinamahalaan ng mga Apostol. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay sumiklab noong Hulyo 27, 1914. Ito ang pagsisimula ng panahong "MGA WAKAS NG LUPA" kung kailan hinulaang tatawagin ng Diyos ang Kaniyang mga anak mula sa MALAYONG SILANGAN. Bilang katuparan ng hulang ito, ang IGLESIA NI CRISTO ay narehistro sa pamamahalaan ng Pilipinas sa mismong Petsang iyon.
Maraming nagtataka kung bakit ganun na lamang ang sunod sunod na pagtatagumpay ng Iglesia ni cristo. Mga kumakalaban ay napapahamak.
Tinutupad lamang ng Diyos ang Kaniyang pangako sa Kaniyang huling sugo.
“Huwag kang matakot, sapagka’t ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka’t ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka;oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.” Isa. 41:10
2.) Magkano ang bayad ng mga pulitiko sa Iglesia pag sinusuportahan niyo sila?
At hindi bat dun nanggagaling ang pagpapatayo nyo ng kapilya niyo?
Kailan man ay walang bayad ang pagsuporta sa Iglesia at wala rin itong kapalit.
Nuon pa mang Unang eleksyon sa Pilipinas isinasagawa na ng Iglesia ni cristo ang pagboto bilang Isa.
Ang pagboto bilang Isa ay hindi trip lang.
Kundi meron kaming pinagbabatayan sa biblia. KAISAHAN ang doktrina namin. Wala kaming doktrinang bloc voting.
At bawal na bawal sa mga ministro ng INC ang gumanggap ng kahit ano mula sa mga pulitiko. At hindi rin sila nag papasya kung sino ang iboboto. Kundi ang Central padin.
Walang bidding na nagaganap kahit ipaimbestiga niyo pa o tanungin sa investigative journalists, sa NBI, PNP, at kahit sa iba pang intelligent groups sa ibang bansa kayo na mismo ang mag imbestiga. Upang maniwala kayo.
At lahat ng ginagastos ng Iglesia ni cristo. Sa mga pagbili ng properties sa buong mundo, pagpapatayo ng kapilya, at iba pang straktura ay galing lamang sa handog ng myembro. Hindi kami tumatanggap ng pera mula sa mga pulitiko, pera galing sa sugal, at pera galing sa donasyon ng kung sino.
3.) BAKIT BAWAL ANG PAGKAIN SAINYO NG DUGO O DINUGUAN.
Naalala nyo pa ba ang kwento tungkol kay eva at adan? Na pinagbawalan sila ng Diyos na “HUWAG KAKAININ” ang bunga ng punong kahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama?
“Sinabi niya sa tao, "Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka.” Genesis 2:15-17
Pero ano ang sinabi ng ahas?
“Ngunit sinabi ng ahas, "Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay!” “Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo'y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama.” Genesis 3:4-5
Pero totoo ba talaga at bakit nga ba ipinagbabawal ang pagkain ng DUGO?
Ang DUGO ay BUHAY at pantubos ng BUHAY
“Ngunit huwag ninyong kakainin ang dugo sapagkat nasa dugo ang buhay; ang sangkap ng buhay ay hindi dapat kainin.” Deut. 12:23 BMBB
“Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka’t ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.” Deut. 12:23
Ang dugo ay buhay kaya hindi dapat kinakain yan “BAWAL NA BAWAL NG DIYOS YAN.” KAKAIN KA PARIN BA? O MAGIGING SUWAIL KA NALANG?!
Ang pagbabawal sa PAGKAIN nito
Itanong natin sa bibliya, pwede bang kainin ang DUGO?
“Nguni’t ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin.’’ Gen. 9:4
HUWAG DAW KAININ ang DUGO. Ang sabi pa sa isang verse, hindi lang HUWAG, kundi HUWAG NA HUWAG:
"Huwag na huwag ninyong kakainin ang dugo, sa halip ay patuluin ito sa lupa.” Deut. 12: 24
Sa dami dami ng pagkaing ibinigay ng Diyos sa atin na pwedeng kainin. Bakit mo parin pinipiling kumain ng Dugo. Pinipili mo paring lumabag at sumuway. Paano mo nasabing mabuti kang tao kung sa pag sunod sa kalooban ng Diyos na may lalang sayo ay hindi mo magawa?
4.) BAKIT BAWAL SAINYO ANG MAKIPAG RELASYON SA HINDI INC?
*Ano ang itinagubilin ng mga apostol sa mga Cristiano ukol sa pag-aasawa?
-Huwag MAKIPAMATOK ang mga Cristiano sa mga kabilang sa di sumasampalataya.
“Huwag kayong makipamatok ng kabilang sa mga ‘di nagsisisampalataya: sapagka’t anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?
"At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya?”
*Ano ang kahulugan ng sinabi ng Biblia na “pakikipamatok”?
-Ang salitang “pakikipamatok” ay ipinaliwanag ng isang paring Katoliko, na nagsalin ng Biblia at isang dalubwika, na nangangahulugang pag-aasawa.
“6,14: MAKIPAMATOK: ang tinutukoy ay ang pag-aasawa…”
(footnote,Bagong Tipan isinalin sa wikang Pambansa ni P. Juan Trinidad, SJ)
*Bakit bawal sa isang Iglesia ni Cristo ang mag-asawa sa hindi Iglesia ni Cristo?
-Sapagkat walang pakikisama ang kaliwanagan sa kadiliman o ang kay Cristo kay Belial. Nang tayo ay umanib sa Iglesia ay naliwanagan na tayo ng mga aral ng Diyos samantalang ang taga sanlibutan ay namamalagi sa dilim. Hindi maaring paghaluin ang liwanag at dilim. Sila'y likas na magkahiwalay at hindi dapat pagsamahin.
5.) BAKIT WALA KAYONG MGA SANTO O SINASAMBA NA MGA LARAWAN
“Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka’t akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;”
Sinasabi ng iba na “Di naman yung mismong kahoy ang sinasamba namin Pa tungkol parin naman sa Diyos yun. Kasangkapan lang namin ang mga rebulto upang madama ang presensya ng Diyos”
Kung mapapansin natin niluluhuran nila ang mga rebulto. At ito'y kanilang dinadalanginan.
Sa mga aktwasyon na ganun hindi bat pag samba na rin ang ginagawa nila.
Sa talatang yan malinaw na malinaw naman kung ano ang ipinag utos hindi ba. Huwag sundin ang sariling kagustuhan utos ng Diyos ang dapat sundin.
Kung Mali ang paraan mo ng pag samba wala rin itong kabuhulan para sakaniya.
Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.
Utos lang ng tao yan dahil kagustuhan ng tao. Hindi kagustuhan ng Diyos.
Ano ang sama kung pinagpatuloy pa ang pagsamba sa larawan o rebulto?
ang gawang pagluhod at pagsamba sa isang larawan ay isang gawaing magdadala sa tao sa kapahamakang walang hanggan:
Apocalypsis 21:8 “Nguni’t sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”
Naalala nyo pa ba yung the allegory of the caves ni plato?
Hindi bat ang realidad sa kanila ay ang nakikita lang nila. Ang mga anino.
Nguni’t nung naka wala ang Isa sa kanila ay nakita nito kung gaano kaganda ang mundo. Ganun din kung gaano kaganda na may Diyos kang sinusunod.
Nung nagpunta sya sa kweba upang pakawalan ang mga kasama nya.
Nagalit sila at pinatay ang taong nag sabi sa kanila ng katotohanan. O nagpakawala sa kanila upang makita ang ganda ng mundo.
Hindi nila matanggap kaya naman ibinalik nila ang kanilang sarili mula sa pagkakatali ginapos nila ang kanilang mga kamay.
At nanatili kung sa kung anong pinaniniwalaan lang nila.
Pipili ka kung anong gagampanan mo yung taong naka wala sa pagkakagapos. O yung taong nalaman na ang totoo Pero bumalik parin sa maling gawain at maling paniniwala?