My dearest bb Buchug, Sobrang sakit man para sakin at para saming naiwan mo, pero sana naiparamdam at naramdaman mo kung gaano ka namin kamahal lalo na ako bilang fur parent mo. Ikaw ang unang pet ko na inalagaan at minahal kahit sa totoo lang, nireresearch ko pa noon kung paano mag alaga ng isang pusa. Bago kita i-adopt galing kay Tatay Jot mo, ilang beses kong pinagkaisipan kung talaga bang ready na ako mag adopt at mag alaga kasi alam kong once alagaan na kita, wala nang atrasan yun. Responsibilidad na kita bilang fur parent mo, ano mang mangyari sayo. At sa totoo lang, ayoko ng responsibility lalo na kung alam kong di ko kaya gampanan. Pero ikaw ang nagturo sakin pano maging mas responsableng tao. Sa'yo ko natutunan paano lalo magtipid at makapag ipon dahil hindi lang sarili ko at bills sa bahay ang pagkakagastusan ko kundi may anak na rin akong kailangang alagaan. Totoo na pinakamahirap na pagdadaanan ng isang fur parent ay kapag dumating na ang di maiiwasang pagkakataon.. ang mawala at mamahinga na ang fur baby nila. Sobrang sakit lang para sakin ngayong araw na 'to kasi, di man lang kita naasikaso ng maayos kanina kasi 2nd dose ko ngayon at sobrang agang dumating ng shuttle namin kaya madalian kitang napalitan ng diaper at mapalitan ang water bowl mo. Masakit kasi inantay mo lang ako makauwi. Nagpapaalam ka na pala nung bigla ka pumasok kanina sa kwarto. Lumapit ka sakin at tumabi na akala ko nagssleep ka lang. Tas bigla kitang nilambing at kinausap na magpalakas na pero paglipat mo ng pwesto yun na pala huling sandali at hininga mo. Mahal na mahal kita Buchug, kahit anong mangyari. 🥺😭 masakit pero susubukan kong kayanin. Run free, bb Buchug ko. 🥺😭😿 mahal na mahal ka ni Nanay Chelsi. 😿🥺😭💖💔 till we meet again.. #Buchug #runfreemybaby #furparent https://www.instagram.com/p/CWOFTRxheHbO4KJKAqZwdw5KPkAYmGp0qwxdQQ0/?utm_medium=tumblr