BUHAY SA AMERIKA!

seen from United States

seen from United States

seen from Netherlands

seen from Spain

seen from France
seen from Canada
seen from Brazil
seen from United States
seen from United States
seen from Germany
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from Russia

seen from Norway

seen from Australia
seen from Germany
seen from United States

seen from United Kingdom
BUHAY SA AMERIKA!
Hanggang ngayon hinihiling ko pa rin, sana noon pa kita nakilala,sana noon ka pa dumating sa buhay ko. Ikaw nakapagpabago sa buhay ko.. masaya ako tuwing kasama kita, sana noon kapa dumating sa buhay ko.. ❤
Buhay America
Coming to USA is one of the best feeling I had when I found out that my visa was approved. But living in USA is a different story. Different cultures, ways and means to keep up with the day to day experiences which are different from where you came from. Overall, I love this beautiful country and appreciate all the opportunities that was given to me :)
pussssh para sa parking. lmao 😂😂😂 @jammyang #buhayamerika
Buhay Amerika nga naman!
I've never thought na magwowork ako habang nag-aaral ako sa college. Siguro mas namulat lang ako sa idea na magtatrabaho ka na pagnakatapos ka na sa college, paghawak mo na ang iyong diploma, at pag mayroon ka ng titulo o degree. Pero, MALI ako. Habang lumilipas ang panahon nagiging praktikal na ang mga tao. Meron nang nagtatrabaho habang nag-aaral, meron din namang nagtatrabaho muna upang makapag-ipon tsaka nmn magaaral. Ngunit sobrang laki ng pinagkaiba ng sitwasyon kapag nasa Amerika ka.
TIME is GOLD! tama! time is gold, silver, platinum, diamond, precious, very very very imporatant.. in short, TIME is EVERYTHING! kung andito ka sa Amerika.. kaya nauso ang kung ano anong instant.. kapag andito ka na sa Amerika bawal na ang ugaling Pinoy katulad ng mañana habit at ang dakilang Filipino time,, laging late?? naku! di yan ari dito... kung may kelangan gawin, kung kaya ngayon gawin na agad, wag ng ipagpabukas pa,, itatambak pa eh, wag ganun. kasi dito bayad ang kada oras mo sa trabaho..
kaya kung 14yrs old ka na nmn at nkatengga ka lng sa bahay nio at andito ka sa Amerika, humanap ka ng trabaho... oo alam ko, may school ka pa nun, alam ko mahirap sa schedule mo pero try mo rin pag vacation andami kaya jang pede, babysit o kaya petsit.. naaala ko nga first summer vacation ko dito, I spent the whole Summer babysitting.. i never went to any places, out of town or out of state, NO! wala pa rin kaming naiipon nung tym na un eh. i remember, i'll get $50 a week from babysitting two kids from 7.30am-5pm.. ganun tlga, tiis tiis lang, kahit maboring ka, kahit wala ka masyado ginagawa, at least alam mo na at the end of the weak you'll get 50 bucks! yay! and because i' was earning at that time, i was able to help my parents para sa gastusin sa bahay.. sa grocery nga ako nakatoka nun eh..
pagkatapos nung bakasyon, un first yr ko na sa college at natapos n rin ung pagbabysit ko kaya todo hanap ako ng maaapplyan.. buti na lang may magbubukas na pinakasikat na food chain sa Pilipinas na malapit lng sa bahay namin.. OMGosh!!! eto na 'to. this is it! this is really is it is it!!!! Magtatayo sila ng JOLLIBEE dito sa Jersey City... akalain mo un??? maraming maraming slamat tlga kay Bro.. bait bait tlga.. saya saya!!! sa awa ng Diyos natanggap ako.. grabe hi-nire nila ako nung June 16, 2011 pero nag open ang mismong store nung June 10.. oh taka kayo no? 1 yr bago mag open.. eh anong ginawa ko nung 1 yr na un? nag hintay lang?? hindi rin.. dun kami nagtrabaho sa Queens, New York as part of our training.. imagine nsa New Jersey kami tapos sa New York kami nag wowork.. halos 2hrs ang byahe mula sa bahay namin.. kmsta nmn un???
June, summer na nun eh pero may school pa rin ako that time eh, nagtake kc ako ng class that summer pra mas mabilis. grabe nakakaawa pag opening ka dapat nasa store ka na ng 6AM.. haller??? 3AM dapat gising ka na at 4AM dapat paalis ka n sa bahay at goodluck n lng kung may bus na ng ganung kaaga, kug wla nmng bus, haru josko tawag k n lng ng taxi, hanggang Journal sqr (train station papunta pa lang Manhattan) un ha.. sakay sa path train papuntang Manhattan tapos sakay ka pa sa Subway (Train papuntang Queens) tapos isa pang Subway (train na papuntang Woodside).. dun andun sa Woodside ung Jollibee.. oh diba 4 na sakay mkapunta lang dun... byahe pa lng pagod ka na.. kawawa ka rin pag closing ka kasi matatapos kayong maglinis 12MN na, minsan sobra pa dun pag kelangan tlgang maglinis ng mabuti.. anong oras ka na makakauwi nun?? tapos wla na uling bus pauwi sa bahay niomula sa jrnl sqr.. tapos kinabukasan may pasok k pa sa school.. wow! tinde! di uso matulog. pero mas mahirap at napakahirap pag HOLIDAY at tsaka WEEKENDS!!! putek! lahat ng Transpo may schedule.. limited lang ung byahe nila kaya pag namiss mo ung bus/train na kelangan mong sakyan para mkaabot sa duty mo, naku! patay tayo jan! maghihintay ka pa ulit ng mga 30mins.. oh di late ka ngayon! IR na yan!! harujosko! mas mabuti ng 1oras kang maaga kesa sa 5mins/10mins/15mins/basta late.
naalala ko nga nun, wala na kong tym para gumala, para mag-internet,mas marami pa nga akong oras na nsa labas ako ng bahay kesa sa nsa loob ako ng bahay eh.. may day off man, mas gugustuhin ko n lng na matulog at gumawa ng schoolwork. kaya nung time na yun, school, work, school, work lang ako.. hanggang sa isang araw... nagdecide na ung management ng Jollibee na itigil muna ung training namin sa Queens... naku! paktay! masamang balita! ibig sabihin wala na namang income! pano na ung nakatoka sakin sa bahay?? pano na allowance ko?? walang magbabayad ng TV/net/homephone namin pati na rin ang grocery?? sobrang tagal ko ring natengga nun.. as in sobrang tagal na, na ung mismong katawan ko na ung naghahanap ng pagkakaabalahan.. kaya naghanap ulit ako ng trabaho... OMGosh ulit! sa awa ulit ng Diyos tinanggap ako sa Macy's as shoe expeditor.. ano un?? ung taga hanap ng sizes sa loob ng stock room. ang hirap din ng trabaho ko dun.. pagkatapos ng trabaho ko lagi akong nagpapahilot ng paa at binti sa nanay ko.. puro paltos na rin ung mga tampakan ko, puro na rin kalyo.. grabe! akyat baba ka baman.. 2 floors un.. pag wala sa baba ung hinahanap mo aakyat ka at syempre kelangan mabilis eh di may pagtakbo ka pa.. talgang nakakapagod.. pero hindi ko magagawang mareklamo.. haller!! kinabubuhay nmin ung laht eh.. at nako sinong makakatanggi sa $10/hour??? anlaki nun men! tapos every friday pa ung swelduhan.. instant money.. di lang toka ko ung maiibibigay ko sa nanay ko, may panghulog pa pra sa Pinas. oh diba.. sayang nga lng kasi seasonal lng ung trabaho ko nun sa macy's. nung mga March wala msyadong customer kaya ayun kelangan na kming i-let go..
pero buti na lang ulit tumawag ulit ung Jollibee... ok!! resume na ulit ang training... mahabang byahe na nmn papuntang JB woodside.. pero at least kikita na ulit tayo:)) kahit gano kahirap, kahit sobrang nakakapuyat at nakakapagod, OK lng yan,, nakakatulong ka nmn sa magulang mo.. siguro nga di na uso sayo ang salitang tulog dahil sa work at school mo,, pero ung pakiradam ng nakapagbigay ka ng pera sa magulang mo at isa ka sa dahilan kung bakit kayo nakakakain ng 3 beses sa isang araw.. sobrang SARAP sa pakiramdam.. sobrang nakakaluwag sa damdamin.. sobrang sarap ipagmalaki na kahit kakarangkot ung inabot mo.. sobrang nakaka-proud sa sarili. at hindi ko inaasahang magagawa ko un sa murang edad.. kala ko kelangan ko muna magtapos ng pag-aaral at makahanap ng trabaho bago ako makatulong sa pinansyal na pangangailangan sa bahay pero nagkamali ako.. dahil ngayon pa lang, nakakatulong na ko sa kanila,, di man sapat, pero malaki na ang nagagawa ng kakarangkot na 'yon.. mas masaya pa sa pakiramdam kasi alam ko nagawa ko un HABANG nag-aaral pa lang ako.. hindi naman sa pagmamayabang pero ini-encourage ko lang ung mga kabataan na may kakayanan na magtrabaho na humanap kayo ng trabaho pra makatulong kayo sa inyong mga magulang, pra di na kayo humingi ng allowance nio o kaya pra di kayo humingi ng pera pra sa mga projects nio at higit sa lahat para makaipon agad kayo...
tama!!! iba ang Pilipinas sa Amerika pero,, hindi malayo na magiging pareho ang resulta at pagiging successful kung mayroong pagsusumikap, pagtitiyaga, pagsasakripisyo, paniniwala, katatagan at pananampalataya sa Diyos. kahit nasaan ka man, kung gusustuhin mo tlga ang isang bagay, makukuha mo. wag lang tayong susuko at makukuha natin ang ating tagumpay.
Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan!
Giving up is always an option, but it's never my choice.
Kala nio sa Pinas lang mahirap ang buhay no?? pwes!!! ilang beses kong sasabihin sa inyo na MAHIRAP din ang buhay sa Amerika. Gusto niong pumuta at manirahan dito??? I must say: BE READY! Goodluck! :)
-srhjnmbt
Alam Niyo Ba?
BUHAY AMERIKA.
2 yrs ago di ko pa alam kung paano manirahan sa America.. sabi ng iba, "uy! sosyal! yaman oh!",, "siguradong mapera ka na pagbalik mo dito.. pasalubong ha!",, "ay! baka makalimot ka ha!",, "libre mo kami pagbalik mo!".. mas excited pa sila kesa sakin.. nakakaloka! grabe! samantalang ako, may pag-iyak pa sa US embassy nung nalaman ko na tuloy na talaga kami (kahiya-hiya mang sabihin pero totoo,, haha.. atin atin lang yan..) kasi naman ayoko pa talagang umalis sa aking lupang sinilangan, ang Pilipinas. gusto ko ngang doon mag college eh, dun sa Home of the Growling Tigers, University of Santo Tomas. Sayang nga eh! tapos naisip ko ung mga maiiwan ko dun,, friends, relatives, cousins, lolos, lola, titos, titas and especially my kuya bear and kuya En En.. ganyan talaga ang buhay eh.. let's move on na lang...
FIRST
Boom!!! lumapag ang eroplanong aming sinasakyan sa America... Sobrang lamig! as in sobra sobra.. doon na nga nagsimula ang aking Buhay Amerika. sobrang nakakalungkot ang unang buwan ko dito kasi naman sa bahay lang ako lagi.. super homesick ng bongga ang lola mo.. nakakaloka nga eh.. para akong batugan, as in kain, tulog, tv, computer, paulit-ulit lang yun... sobrang nahirapan din akong mag adjust sa time.. toinks! tulog sa umaga, gising sa gabi.. ang chaka!
First Christmas ko din ay sobrang not cool. first time naming magpasko na di kami kumpleto (ay! drama ni atembang!) basta yun. pero masaya na rin kasi we celebrated it with kapwa Pinoys and some relatives na rin. carry na pero iba pa rin talaga ang Pasko sa Pinas!! (maisingit lang talaga:P)
HOME SICK
para mawala ang home sickness... buksan ang TV. ilagay sa TFC. manood ng WOWOWEE (tama ang nabasa mo! ang corny ng wowowee pero effective naman ata lalo na sa nanay ko.. lol) manood ng teleserye (effective pa rin yan sa nanay ko ,, actually hanggang ngayon hilig niya yang mga ganyan) SKYPE it is. importante pa rin ung pangngamusta sa mga kuya kong naiwan sa Pinas. attend parties with your pinoy friends. punta sa Phil-Am grocery, pag may na-mimiss kang Pinoy food. punta ka din sa Fiesta Grill, Max's, Red Ribbon, Dante's, Apollo (sobra na 'to ah,, dapat may bayad na ang pag eendorso ko sa inyo..charot!) at kung anu-ano pang Pinoy Restaurant na merong Pinoy. Kausapin ang kapwa pinoy..
...
tapos yun! buti na lang nag-school na ko and nakapag-work (super fast forward yan 'teh!) and i met different people with different races, cultures, values and whatsoever. marami rin akong na-meet na Pinoy na naging friends ko.. kahit papano, nagiging masaya ang pananatili namin dito.
sa 2 taon ko dito, masasabi kong ,maraming nagbago sa 'kin... masasabi kong MAS responsable na ko, naging matipid, matiyaga, MAS naging "GO" ako sa mga bagay bagay tulad ng pagtatrabaho ko.. kung walang trabaho, walang kang magiging buhay dito.. basta! mas naging TAO ako ng mapadpad ako dito...
sa mga naghahangad ng magkaroon ng Buhay Amerika, kelangan handa kayo sa lahat ng challenges na maari niyong harapin.. wag nating kalimutang humingi ng tulong sa Poong Maykapal.. uulitin ko! HINDI MADALI ANG BUHAY SA AMERIKA... It's more fun in the Philippines! (masabi lang talaga:P)
gonna end this blog na, my niece is bugging me... she's so makulit.. bye for now! ALAM NIYO NA!
--ambatsky:)