Trilogy ng laplayp ni akla
Marso 17, 2022
Happy New Year, Happy Valentine’s at Happy Women’s Month. Hahaha
Gurl kalian pa iyong huli kong hanash sa blog na itey jusko knee waze I’m back back back again! At sa ilang buwan na nakaligtaan kong magsulat dito, siyempre the ang dami nang nangyari.
So iyon welcome sa trilogy series ng aking buhay pag-ibig hahaha
Book 1: Kennedy
Nabanggit ko na sa huling blog ko na iyong unang taong nagustuhan ko ay nakilala ko sa Sitio San Roque. Balak ko na sanang maghapag sa kanya noong Nobyembre 30, 2021 but guess wut Mimi may biglang pag-DM siya noong Oktubre 29, 12:55 ng madaling-araw.
Ang sabi niya, “Mars, pansin ko na napapadalas ang pag-message mo na di related sa gawain. Gusto ko lang malaman kung bakit?” Something like that, nonverbatim.
Teh, inabot ako ng more than 15 hours bago makasagot. Sakto pa nag ng araw na ito ay UP Pride Protest at kaarawan ni mama. Shookt si akla.
Sa pagkaalala ko, ito ang sinagot ko, “Out of the abundance of the heart, the mouth speaks. Gusto ko lang magbigay ng words of affirmation dahil natutuwa talaga ako sa mga artwork mo, sa propwork mo, sa pag-masslead mo, even sa presensya mop ag magkasama tayo sa mob. Sensya na kung hindi ko napapaabot ng personal dahil madalas, kailangan nang mag-disperse.”
Tapos ang nangyari pa, na-copy pasta ko iyong buong message ko na pina-check ko pa sa mga kasumz, as in nakalagay sa message na “Ito iyong gusto kong sabihin…” Teh literal na nauga ako.
At may pa-bible verse pa talaga.
Tapos, sumagot din siya nung hapon, pero binasa ko na lang siya isang araw pagkatapos. Ang tugon niya ay na-appreciate naman niya ang mga nasabi, maa-appreciate din niya kung dumaan sa proseso pero hindi siya interesado dahil busy sa gawain.
Ang nagging tugon ko pagkatapos ay magandang nanggaling sa kanya, at nakahanda naman na ako at kami na dumaan sa proseso pero dahil di nga naman siya interesado, hindi na naming itutuloy.
Tapos ayun, pasensya na raw. Mga apat iyon.
Sabi ko naman, “Sabi nga ni Carson Herrera, “Bakit mo kailangang mag-sorry, wala ka namang kasalanan?”
Hindi mo naman kasalanan na minahal kita. Ganon.
Huling mensahe ko sa kanya ay, “So sino iyong nang-spoil?”
Wala na siyang tugon.
At ipinagluksa ko ang aking sawing puso nang dumating ang undas.
November Scorpio season, dapang-dapa si gurl.
So ang original plan na maghapag ng November 30, nagpadala na lang din tayo ng personal na liham na kung saan ay nagpaabot din ako ng mga puna sa nangyari. Hindi ako resolved na bakit idinaan ang komunikasyon sa online kahit nagkikita naman kami sa mga pagkilos. Parang hindi naman niya pinagnilayan iyong ginawa niya. Ang pakiramdam ko ay na-menos ako bilang kasama.
Sa lumipas na panahon na nagkikita kami sa mga pagkilos at mga aktibidad, grabe na ang ilangan namin. Hindi ko siya kayang titigan ng diretso. Parang gusto kong magpalamon sa lupa. Isa siyang malaking trigger.
Nakaapekto talaga sa aking kalusugang mental ang nangyari. Na-trauma ako, gurl.
May sandalling panahon na bumuti-buti ang aking kalagayan, ngunit bumalik ang mga sakit noong patapos ang taon hanggang sa pagpasok ng 2022. An idle mind is the devil’s workshop, ika nga.
Tamang tulala, tamang breakdown, tamang puyat.
Kung kaya’t nagpaabot na kami sa kanyang grupo. Ang nagging unang tugon nila ay, “Mukhang wala namang kailangang sarhan dahil hindi naman na-formalize iyong paghahapag or panliligaw.”
Sabi nga ni Kennedy Davenport, “Fuck my drag, right?”
Nag-crying lady na naman si gurl.
Pero may inihabol silang mensahe na tutugunan daw nila iyong pinadalang sulat.
Wala nga lang binigay na time frame.
At mag-aapat na buwan na. Hindi na rin ako umaasa. Binabaan ko na ang expectations ko. Nasaktan na ko ng lubos. Hindi ko ito deserve. Hindi niya ko deserve.
Book 2: Maxwell
Sa mismong araw na nagpadala kami ng sulat kay Kennedy (actually madaling araw na ng sumunod na araw), nagkakilala kami ni Maxwell. Nalaman din niya ang patungkol kay Kennedy dahil pinulutan nila ako sa inuman na magkuwento patungkol sa lovelife ko. Ang sabi pa niya noong nalaman niya, “Hala, akala ko straight siya kasi Christian siya.” Gago.
Tapos, nagkita uli kami sa inuman. Doon pa mas nagkakilala, tapos nag-karaoke kami. Mababa amang alcohol tolerance ni bading at humihiga na sa bangketa. Nakituloy kami sa isang kasama, at doon pa mas nagkakuwentuhan sa personal na buhay at mga gawain bilang siya rin ay buong-panahong aktibista.
Maya-maya, may paghawak na ng kamay, pagyakap at paghawak sa pisngi. Malambing pag lasing. Pero patol naman si gaga.
Sinabihan pa kong cute.
I mean, thanks. Ikaw rin.
Tapos magkatabi kaming natulog. Niyakap niya ako. Nang napakatagal.
Unang beses kong naramdaman ang ganoong intimacy sa isang tao.
Naulit pa siya noong nagkasama kaming mag-inuman at mag-karaoke. Ang mga titigan, ang paghawak ng kamay na saksi rin ng mga kasama. Nakakatuwa lang alalahanin na noong kami na lang ang natira, magkahawak ang aming kamay habang papalabas, saksi ng napakaraming machong lalaki.
Pero habang maaga, kinausap ko na siya at inilinaw kung ano ang pagtingin niya sa mga nangyari sa amin. Ang sinagot niya ay, “Pagpupuna.”
Nagpupuna siya sa pagiging clingy niya, lalo na’t bilang kaibigan lang naman talaga ang tingin niya sa akin. Pero inamin ko rin sa kanya na gusto ko siya. At nabanggit ko rin na akala ko ay pareho kami ng nararamdaman, pero magandang habang maaga pa, napag-usapan na at nailinaw ang mga bagay.
Nabanggit din niya na hindi siya bukas sa pakikipagrelasyon dahil pino-proseso pa rin niya ang huli niyang pakikipagrelasyon.
Nagkasunduaan kami na sana’y walang ilangan pagkatapos. Noong una, ramdam ko ang pagbabago ng kanyang kilos pag kasama ako, ngunit nang maglaon ay naging maayos naman ang aming relasyon.
Sabi pa nga niya na sasabihin niya sa parangal ko na magaling daw akong kasama dahil pipuna ko siya sa pagiging clingy niya.
I mean, tama.
Book 3: Niccolo
Nagkakilala kami bandang Oktubre 2021 sa isang fair. Kaibigan din kasi siya ng isang kasama. Ang unang tingin ko nga sa kanya ay tahimik at napakaseryoso, ngunit nang lumaon ay isa palang baklang tunay gaya ko. Pero sa totoo lang, nabighani ako sa kanyang kakisigan at kariktan. OO TEH CUTE SIYA. Ang tangkad pa. At higit sa lahat, napakamainit na kasama. Mismong Pebrero 14 noong lumalim ang aming pagkakaibigan. Parang iisa lang ang utak namin, lalo na’t pareho kaming fan ng RuPaul’s Drag Race. Noong gabing din na iyon, nabanggit niya na tuwang-tuwa talaga siya sa akin at gusto niya talaga akong maging kaibigan, at binigyan niya rin ako ng napakahigpit na yakap.
Marso 8, buong araw ko siyang kasama. Mula sa pagsigaw niya ng pangalan ko habang nakasakay ako sa trak na gagamitin sa programa sa Mendiola, ang pagtawag niya ng atensyon ko sa hanay, ang napakamainit na pagbati, ang sigasig niya sa pag-cover sa buong araw na aktibidad, sa pagkuha niya ng litrato kasama ako (na sabi pa nga niya, parang LGBT couple kami. Siyempre quiet na lang ako.), ang hindi maubos na enerhiya namin sa aming baklaan sa trak pabalik ng opisina, hanggang sa tawanan sa kapihan matapos ang napakahabang araw.
Nasabi ko nga sa kanya sa chat na nakabubuhay ng diwa na nakasama ko siya sa nakakapagod na araw na iyon.
Isang araw pagkatapos, nakasama ko siya sa inuman. Alam ng lahat ng kasama ko doon (maliban sa kanya?) na gusto ko siya. Eh di tanong sila ng tanong sa mga bagay-bagay patungkol sa pag-ibig- anong tipo niya sa isang tao, may gusto ba siya, etc. Pero isang palaisipan talaga sa akin na hindi pa siya kailanman nagkaroon ng karelasyon at wala pang kahit sino ang umamin sa kanya. The, sa pogi mong iyan. Totoo ba? Pero iyon sa totoo lang natakot ako dahil mukhang ako ang pinakaunang aamin sa kanya at hindi rin ako sigurado sa basa ko, mukhang sugal itong magmuli.
Ngunit kung pasasaan man, alam ko na hindi ito hahantong tulad ng nangyari sa amin ni Kennedy.
Siya sa ngayon ang taong nais kong makasamang bumuo ng makauring pag-ibig.
Pero paalala lang din ng isang kasama na “Fall slowly. Fall gently.”
Natuto na ako nang lubos sa naging karanasan ko kay Kennedy. Ayoko nang magpakahibang nang ganun. Kalmahan lang natin. Hindi siya ang mundo. Sa huli, ang mahalaga ay ang pananais ng pag-ibig na naglilingkod sa masa, pag-ibig na labas sa liberal, burges at dekadenteng pagtingin.
Malinis ang hangarin ko sa kasama at seryoso ako sa nararamdaman ko sa kanya. Gustong-gusto ko na ring umamin ng nararamdaman ko sa kanya, sa panahon na hindi ako lango sa alak, ng personal. Makita niya talaga ng harapan at maramdaman niya ang aking sinseridad.
So, God bless.
Wait na lang po tayo for the update. emx









