Buhay Info/Admitting
“Goodmorning this is cj how may I help you?”
Yan yung linyang madalas bungad namin. 8 hrs kang magtatrabaho, naka minimum wage ka. oo, kami yung madalas na nakaupo sa reception or lobby na mag aasisst sa inyo sa tuwing may concern kayo sa buong hospital. Kami yung tagapagbigay ng impormasyon, turo dito hatid doon. Kami yung nagpepage para mahanap yung mga taong nawawala or kelangan. kami ang tumutulong sa mga doctor at nurses na maginform na “code blue” sa tuwing may psayenteng irerevive. Kami rin yung nagaadmit ng pasyente, taga explain ng lahat ng kelangan nyong malaman. Taga receive ng complaints, taga sagot ng tawag, madalas, pati hindi namin trabaho nagagawa namin kasi nagmumulti task kami. nagaapprove kami ng hmo cards, marunong kami magbasa ng doctor’s orders,kami ang magdedecide kung papayagan ba naming magpromisory note ang pasyenteng walang pera
, kami ang kakausap sa inyo kapag may aberyang nangyayari. Kami ang makikipagcoordinate sa ibang teams sa hospital regarding sa kung saan mang matter.
“Eh, info/admitting staff lang naman yan eh.” Yan din yung salitang madalas marinig namin. Nakakarinig rin kami ng di magagandang salita sa pasyente, sa kapwa mo katrabaho at sa mga di mo kiallang tao at lalo na si mga taong di ka naman lubos na kilala. lalo na kapag di mo naibibigay yung gusto nila, isang maliit na pagkakamali, lumalaki ang butas. lajhat yun kasiraan ng buong department nyo.Opo, info/admitting staff nga lang po kami, pero tulad ng iba pang miyembro ng hospital, mahalaga din kami. mahalaga din ang role na ginagampanan namin. Tinitiis na lang namin kahit anong hirap ng trabaho at kahit na sinasabi ng iba na toxic sila at di pa kumakaun, ganun din naman kami. pre pareho lang naman tayong nagtatrabaho kaya kung gutom kayo, gutm din kami. Bilib ako sa mga taonbg nsa posisyong ‘to kasi di biro maging info/ad staff. Kelangan malakas ang loob mo, matibay kas a mga saabihin ng iba at marunong kang makisama at tawanan at diskartehan ang problema. Opo, info/admitting staff lang tayo pero mataas ang tingin ko sa atin. SAludo mga kapatid!










