Puso’y Naghihintay
Puso’y naghihintay sa Iyo, O Hesus. Buhay, handa na sa Iyong pagdating. Ikaw ang pag-asa at ang kaligtasan ng mga dukha at ng makasalanan.
Ang pangako Mo sa amin ay tutuparin sa lahat ng mga bansa at mga lupain.
Puso’y naghihintay sa Iyo, O Hesus. Buhay, handa na sa Iyong pagdating. Ikaw ang pag-asa at ang kaligtasan ng mga dukha at ng makasalanan.
Tayo’y magalak sa Poon na darating kapayapaan atin nang makakamtan.
Puso’y naghihintay sa Iyo, O Hesus. Buhay, handa na sa Iyong pagdating. Ikaw ang pag-asa at ang kaligtasan ng mga dukha at ng makasalanan.
Magsipagbunyi sa Hari ng Israel. Ang pagmamahal ay mayroong kaganapan.
Puso’y naghihintay sa Iyo, O Hesus. Buhay, handa na sa Iyong pagdating. Ikaw ang pag-asa at ang kaligtasan ng mga dukha at ng makasalanan.
Puso’y naghihintay!








