Last week pa sana ko magpopost neto e. Nagaantay lang talaga kong magupload silang picture e kaso wala. Kaya ipopost ko na kahit walang pic. HAhahaha
So ayun. Nag night out yung team sa PBA Cafe sa may Ortigas nung Friday (Oct. 14). Sagot naman kasi ng Indra yung pakain kaya gows kaming team. Mula GTP nagtrayk kami. Mga 5 mins yung byahe. Kala ko naman dun na yun pero tangena. Halos 1 hr pa kaming naglakad papunta dun sa kainan. Nakakahiya naman sa 5min na trayk. Di na lang namin nilakad. Sayang 8. Hahahaha
Susko pagud na pagod kami pagdating. Maganda yung lugar. Nasa 25 yung TV sa paligid. At hulaan nyo kung ano palabas. Hahahaha. Ade PBA. Sa lahat ng 25 na tv na yun ha. Hahaha. Game 4 ata yun nung finals kaya ang dami ding tao. Tapos may live pa sa cafe yung 6 Cycle Mind pa pagkatapos nung game. Kaso ang tagal bago kami makakain. Ang tagal buksan nung mga pagkain. Buffet kasi. Hahaha. So nagbasketball muna sila. Kwentuhan ganoin. Tapos nung nalaman naming pwede na kumuha, ayun pila. Singit singit buong team samin. Hahahaha
So after namin makakuha ng team ayun naubos na yung pagkain. Hahahahahaha. Mga 15-10 katao pa yata di nakakakain nun. Ksama dun yung iba naming kasama na nagsipagbasketball pa. Hahahaha. Daming pagkain. Kare-kare, sinigang lasagna daw sabi ni Jane(kasi may kangkong at baboy sa lasagna sa loob hahahahaha), chicken, fish fillet ayun. Sarap nung kare-kare forevs. Hahaha.
Nakita ko din pala yung dati kong kateam. Ayun inisnob ko. I rolled my eyes. Hahahaha. Joke lang. Syempre pinansin ko. “Hi” sabi ko. Hahaha
Naginuman. Smirnoff yung inorder nila. Umiinom daw ba ko. Sabi ko na lang oo. Kahiya naman na di ako uminom. Lasang softdrinks lang naman yun. Kaso ayoko nga ng softdrinks kaya ang gara ng lasa para sakin. Hahaha. E eto pa. May activity kami sa office nung gabi din na yun (11pm-2am). Hahahahaha.
So mga 10 bumalik na ko sa office. KAwawa naman yung kasama ko dun pag di ako babalik, e wala syang access dun sa ibang kailangan na gawin. DI ko tuloy naabutan 6 Cycle Mind. Huhuhu. Medyo bangang ako pagbalik ng office. Nagactivity pa hanggang 2. Di ko tuloy nabati si Celeste ng HAPPY BIRTHDAY! Nagtampo pa. Hahahaha.
So mga 3 am na ko nakauwi. Kasi 2am na nga kami natapos sa ctivity. Pinagaadd ko nga din pala sila sa FB paguwi ko. Hahaha. Tapos sobrang kati talaga ng braso at hita at pwet ko, sa daan pa lang. Hahaha. Feeling ko talaga may allergy ako sa alak. Twing iinom ako laging ganun. Sobrang kati as in. Binuhusan ko ngang alcohol braso at pwet ko nun baka kako matanggal kati. Hahaha. Ayun saturday sunday namamaga braso at hita ko dahil sa allergy kuno na yun.
Ayun lang. Masaya. Ok sana kung may pic kaso di sila nag upload. Take note may gopro pa yung isa naming kasama ha. Di naman inupload hahaha
EDIT: Nagupload. Yebeng. Ang linaw. Kainis. Hahahaha. Jane, Choy, Sid, sobrang gwapong poging self. Sir James. Hahahaha