“The Last Poetry I Wrote for Gee”...
Just want to share a poem I’ve written last May 2015, which its original title, “Ang Huling Love Story Na Ikukuwento Ko Sa Lahat”. Here are the lines of the poem:
Hayaan ninyong ikuwento ko mismo sa inyo,
Di ko alam, kung narining na nga ba ninyo;
Basta, gusto kong ikuwento sa lahat,
Gusto ko lang mag-share at idaan sa aking pagsusulat.
Hindi ‘to nobela, pero maikli lang talagang kuwento,
Puwede ka bang maabala kahit animnapung segundo?
Pero baka tumagal pa ito ng lima hanggang sampung minuto,
Depende kung babasahin mo talaga hanggang sa dulo.
Nagsimula ito matagal nang panahon,
Bago pa dumating at isilang ang mga Hapon;
Dumating ang ‘pinakadakilang’ anak ng Diyos noon,
“Hesus” ang pangalan niya, basta Siya na ‘yun!
Baka hindi ka kasi maniwala,
Hindi na kasi ako naniniwala sa hula;
Simula noong ‘Siya’ ay aking nakilala,
Marami talagang nabago pati sa paraan ng aking pagsasalita.
Nakilala ko Siya na hindi ko pinlano,
Nakilala ko Siya na kasimbilis ng isang eroplano;
Di alam kung paano,
Basta alam ko Siya ang dahilan kung bakit ako nagkaganito.
Niligtas niya ko na parang si “Superman”,
Inako niya ang kasalanan ko na hindi ko nalalaman;
Pinako Siya sa krus para sa akin noon pa man,
HE even sacrificed His life para sa aking buong angkan.
Ganito pala Niya ko, kamahal?
Ganito pala Niya ko, minamahal?
Ilang beses ka mang masugatan,
Nand’yan lamang siya para sa’yo kahit kailan.
Ayokong ‘ako’ ang mailagay sa ‘Spotlight’,
Kase Siya naman talaga ang dapat na ‘bida’ at mailagay sa limelight.
Hindi man ako palaging right,
Pero tinanggap Niya ko pati buo kong pagkatao, guys!
Ang sweet Niya, noh?
Hindi man Siya ang mahal mo,
Pero mahal ka Niya ng super,
At Siya lang makakapagpatunay na mayroon talagang “FOREVER”!
Sana nagustuhan mo ‘yung kuwento ko.
Baka kasi, heto na ang huling love story na aking ikukuwento,
Pero sana, sana, hindi heto—
Ang huling tula na isusulat para kay ‘Hesukristo’.