1/365 Day 1: TRUST. LOVE. SHARE. BE HAPPY.
NASA

★

@theartofmadeline
AnasAbdin
Not today Justin
styofa doing anything

ellievsbear

❣ Chile in a Photography ❣
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
macklin celebrini has autism

Kaledo Art

Janaina Medeiros
Sweet Seals For You, Always
Stranger Things
sheepfilms

No title available
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
Show & Tell
Mike Driver
Lint Roller? I Barely Know Her
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Singapore

seen from United States

seen from United Arab Emirates

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
@nevermindmyposts-blog
1/365 Day 1: TRUST. LOVE. SHARE. BE HAPPY.
"Dito lang. Kahit may iba kang kinakausap, dito pa rin ako. Maghihintay ako na sa akin naman, sana sa akin naman mabaling atensyon mo"
11:12
11:10 ito yung mga panahong tinitignan ko na ang orasan sa aking telepono. Maya't maya sinisilip kung meron nang pag babago, kung ang maliit na bilog ay mapapalitan ng isang diretso, isang linya na syang magsasabing oras na! Isang linya na magpapaalalang kailangan na. Isang linya na magbibigay sa akin ng pag asa na meron pa. 11:10 ang oras na magbibigay ng babala na dapat pag dumating na ang tamang minuto alam mo na ang hihilingin dahil isang minuto lang ang itatagal nito. Isang minutong kahilingan na dapat handa kang sabihin. Isang minuto na nakalaan para sa kanya. 11:11 ito na yung pinakahihintay mo! Yung oras kung saan kailangan mo ng banggitin at sabihin ang kahilingan na matagal mo nang gustong mangyari. Ang hiling na makatabi sya, ang hiling na mahawakan ka nya,ang hiling na ituring kang prinsesa, ang hiling na mapansin ka nya. Sa araw araw paulit ulit ito ang hiling mo, sa araw araw handa kang magpuyat maabutan lamang ang oras na ito, sa araw araw isang kahilingan na binigay sa iyong na parang pribilehiyo ang ginagamit mo, one wish per day ika nga at sa bawat araw sya ang hiling mo! 11:12 tapos na! Tapos na ang minutong nakalaan para sa kanya pero di natatapos don ang halagang binibigay mo para sa kanya. 11:12 babalik ka na uli sa dating gawi, ang pagmasdan syang may kasamang iba, ang makita syang may hawak na iba, ang malamang may iba syang prinsesa, ang maramdamang hangin ka lang sa kanya. Ang 11:11 mo! Ang taong pinaglalaanan mo ng hiling mo, may iba palang 11:11. Pero hindi dito natatapos ang mundo! Dadating ang araw ang dating 11:11 mo magiging 11:12 mo. Isang katapusan! 11:12 tapos na to.
The Gift Of Imperfection
Until we can receive with an open heart, we are never really giving with an open heart. When we attach judgment to receiving help, we knowingly or unknowingly attach judgment to giving help.
Iba
Ngayong gabi namulat akong muli sa katotohanan na kahit isang maliit na bagay na mali sayo kayang pagtawanan ng maraming tao lalo na ang sobrang lapit sa puso mo. Biro man o hindi masakit isipin na ilang ulit at beses nilang pinagtawanan ang bagay na di naman katawa tawa na hindi naman dapat pinagtatawanan. Wala akong mapagsabihan kaya eto sinusulat ko na lang. Ewan ko ba kung bakit kailangan pa nilang paglaanan ng oras at pagtawanan ang bagay na pwede namang kalimutan. Crinop at dinownload pa ang bagay na dapat di na binigyang halaga. Well for some reason it will tell you one thing..... they did really spend time to look for something they can make fun of. Idolo ata ako neto kaya ayan pilit hinanapan ng mali ang muka at katawan ko. Ganon na ba ka bigdeal sa atin ang kilikiling maitim? Ang mahabang mukha??? Nakakapagod kaya siguro may mga taong di natutuwa sa kung anong binigay sa kanilang nang Lumikha marahil dahil na rin sa mapanghusgang mata ng lipunan. Kaya sguro maraming nag nanais na gumanda, kuminis, at pumuti dahil sawa na sila sa pang aasar na naririnig at nababasa mula sa iba. Sino ba dapat ang sisihin? Ang taong wala namang ginagawa sayo pero hinuhusgahan mo sa maling aspeto ng katawan nito o ang taong nanghuhusga na akala mo perpekto? Ngayong gabi isa lang ang alam ko.. husgahan man ako ng mundo may isang ang tingin sa akin ay perpekto at mahal ako. HI JESUS! ILOVEYOU :*
Let go of the feeling of being unwanted.
Isang madaling-araw.
Kanina naisipan kong magpakastalker habang tulog ang mundo.
Dami kong napagtanto. Daming nakita ng mga mata ko.
Daming gustong baguhin sa pagkatao. Yung totoo? Akala ko matutuwa ako sa mga mababasa ko sa newsfeed at trends. Akala ko na may mapupulot ako kahit papano. Tapos. Narealize ko niloloko ko lang sarili ko kasi yung totoo? Mas marami pa ata akong mapupulot sa libro pero ang mas masakit hindi naman mga komento ng ibang tao yung nagpababa sa “confidence level” na meron ako kundi yung mismong utak ko. Utak ko na naiinggit kung bakit meron sila ng wala ako? Kung bakit ang gaganda nila at ang gwagwapo? Kung bakit parang ang perpekto ng kanilang mundo. Para silang mga celebrities na hahangaan mo tapos sa sobrang paghanga mo itatanong mo sa sarili mo kung bakit wala ako? Wala akong ganon na meron sya? Bakit sya maganda na, mayaman pa, may boyfriend pa. At ang masaklap pang facebook at instagram ang boyfie nya. Sobrang sakit sakit!
Tapos maiisip mo hala diba lahat naman tayo pantay? Pero bakit parang pagdating sa akin sablay? Bakit parang sya kahit saan magpupunta magugustuhan talaga tapos ako? Yes ako? Ang selfish na ako! Na ang meron lang..
Buong pamilya, meron din sila nun e!
May kaibigan, meron din sila diba?
May bahay, may lupa, may phone sa kanila nga iphone pa e. Magandang school. Sila may boyfriend pa ako walaaaaa.
Tapos napahinto ako sa pagkukumpara sa kung anong meron sila na wala ako. Napagtanto ko kasi na meron naman ako nung mga yun (except sa bf)kaya lang pilit ko lang inaalis sa utak ko ang salitang “meron ako non”.. Yung tipong kasi maganda sya feeling mo ang panget mo na.. Kasi maputi kili-kili nya feeling mo wala nang pag-asa... Kasi gwapo boyfriend nya feeling mo end of the world na.. Tapos mayaman pa sya feeling mo naghihirap ka na..
Si Lord kasi.. FAIR Sya sa lahat ng bagay, pagkakataon sadyang hindi pa ang dumadating yung tamang panahon.. Siguro kaya tayo naiingit kasi akala natin meron sila ng meron tayo pero ang totoo may isang aspeto sa bawat buhay ng tao na meron ka at walang ang iba..
Sa ngayon ang sure lang ako na meron ako at hindi makukumpara sa iba ay yung NANINIWALA AKO SA KANYA.... Sya na nagbibigay ng pag-asa na dadating ang panahon na di mo na kailangan maiingit o maasar kung bakit ang unfair. Kasi ganon talaga “Life is not fair. And if ever life becomes fair thats the time we cannot called it life anymore but a dream instead” (quote from a wattpad story forgot the title) HAPPINESS IS A CHOICE. ALL OF THESE ARE CHOICES. YOU CHOSE TO BE SAD SO ITS YOUR FAULT. YOU CHOSE TO BE INSECURE AND COMPARE YOURSELF ITS YOU FAULT. NOT THEM, NOT CHRIST. ITS YOU! SO RIGHT NOW, CHOOSE! CHOOSE TO BE YOU, CHOOSE TO BE CONTENTED BUT STRIVING FOR SUCCESS. :)
Good nightxx
Minsan natanong ko sarili ko bakit wala pa hanggang ngayon yung taong magmamahal sa akin?
Kasi nakakasawa na rin yung paulit-ulit na lang na sa kahit saang lugar ako magpunta puro masasayang “couples” ang nakikita ko. Ang malas ko naman ata talaga kulang na lang ipikit ko mga mata ko sa twing naglalakad sa kalsada para di sila makita. “ANG BASTOS LANG E! SINGLE YUNG TAO O!” “RESPETO PLEASE!” Hahahahaha. Pero yung tanong ko nasagot. Sobrang lapit nung sagot. Isang salita.
“HINTAY” mukhang ewan yung kasagutan diba? Napakahabang katanungan ang bumalot sa aking katauhan mula nung nalaman ko ang salitang “pagmamahal”. Pila ngunit ang mga tanong ay paulit ulit lang. Pila ngunit ang sagot ay kasing haba lang ng isang hakbang. Isang salita na kung titignan napakaraming kahulugan at hindi malaman ang maaring koneksyon sa katanungan. ISANG SALITA- HINTAY. Oo hintay.
Habambuhay ka maghihintay na sana yung taong magmamahal sayo ng totoo, yung tao magpapakita sayo kung gaano kapait at katamis ang mundo. Yung sa umagang pagising mo di mo na kailangan sumimangot sa kalsada pag nakakakita ka ng mag jowa na magkasama kasi alam mo na! Alam mo na ang pakiramdam ng may nagmamahal sayo talaga. Yung masasabi mong IYO LANG TALAGA. Yung hindi panaginip at kathang isip, yung hindi wattpad at drawing. Yung iyo! Yung magmamahal talaga sayo! Tapos kung minsan mararanasan mo muli ang pag...
Iyak. Iyak hindi dahil sa takot, lungkot o pagkalimot na naidulot nya kundi sa saya, pag-ibig, tawa na nadarama sa lahat nang supresa na ginagawa nya, sa lahat ng pagkakataon na pupunasan nya ang luhang galing sayong mata. Iiyak ka hindi dahil iniwan ka nya kundi dahil sa pinagsigawan nya ang salitang “MAHAL KITA! SANA TAYO NA!”
Nandyan yung mga panahong mamimiss mo sya kasi may mga pagkakataon na busy sya pero pupuntahan ka nya at yayakapin ka at ibubulong ang mga katagang “PASENSYA NA PARA NAMAN SA ATIN TONG DALAWA”. Bubuo kayo ng mga pangarap nang sabay, habang magkahawak ang kamay at sabay guguhit sa langit ng mga bagay na gusto nyong makamit. Iisipin kung ilan ang magiging anak nyo, gaano kalaki ang bahay nyo, mga bagay na akala mo dati mababasa mo lang sa libro, na akala mo dati hindi magkakatotoo, na akala mo dati walang kang magiging kasama na bubuo ng lahat ng ito.
Tapos dadating yung mga panahon na babalik ka sa dati, yung mga panahon na iisipin mong di ako ganto dati, babalik ka sa nakaraan na tila gusto mong kalimutan pero di maari kasi ito yung mga nag-iwan ng marka at nagresulta kung gaano ka ngayon kasaya. Maiisip mo na ang dating mga hikbi ngayon at napapalitan na ng mga tunay na ngiti. Na ang dating imahinasyon ganap ng katotohanan ngayon.
Ang daming nangyari noon na ipinagpapasalamat mo ngayon. Kundi dahil sa paghihintay, wala sanang magandang nangyayari sa iyong buhay. Isa lang naman ang dapat tandaan sa paghihintay sa tamang taong magmamahal iyon ay ang mga salitang “GOD WILL NOT KEEP YOU WAITING WITHOUT NOTHING” Di ka Niya hahayaang maghintay sa wala, di ka Nya hahayaang mag isa, di ka Niya iiwan sa kalungkutan na nadarama. Di man ngayon dumating ang taong magmamahal sayo laging iisipin na karamay mo parin si Kristo.
You deserve better. You deserve the best! Wag kang maniniwala na “First come, first serve” di ganon ang pag-ibig, di ganon ang pagmamahal, maniwala ka sa kasabihang “SAVE THE BEST FOR THE LAST” na kahit nasa dulo ka ng pila lagi mong tatandaan na meron pa ring matitira, isang tamang tao na bagay sayo at isang tamang tao na mamahalin ka at si Kristo. Isang tamang tao na ginawa ni Hesus para lang SAYO! :)
MATUTO KANG MAGHINTAY.
Cyrill.
CYRILL.
Cyrill. Yung pangalan na unang nagpatibok ng aking puso. Yung pangalan na nagpaikot ng aking mundo. Yung pangalan na nakasulat sa likod ng aking kwaderno. Yung pangalan na hinahangaan ko. Yung pangalan na gusto kong ipangalan sa lalaking magiging anak ko. OO, Cyrill yung pangalan na sa pag gising ko gusto kong makita sa aking telepono. Yung pangalan na sa aking pagtulog sa gabi gustong masilayan ng mata ko, na bago ko matulog pangalan mo ang baon ko.
Yellow. Yellow green vs puti ang dalawang team na nagtutunggali. Naaala mo pa nga diba? Yung unang pagkakataon na nakatabi kita? Na walang paglagyan sa alkansya ang saya na nadama, na sa bawat pagtama ng ating balat boltaheng kuryente ang natatanggap. Aaaminin ko na, di ako makatili sa pinapanood nating dalawa alam mo kung bakit? Kasi sa muka mo ako nakatitig di ko na nga namalayan na lumalamang na pala ang kalaban kasi ang tangi kong naririnig, hindi sigawan, hindi takbuhan ng mga players na naglalaro, hindi pagdribol ng bola na pinag aagawan kundi ang puso kong malakas pa sa tambol ang pagtibok. Oo ikaw ikaw ang dahilan.
Red. Red na maxx ang bniili mo nun sa tindahan. Unang pagkakataon na tayo’y nagkatitigan. Di ko alam kung ito ay iyo pang natatandaan pero ako? Oo tandang tanda ko pa, limang segundo, maikli siguro oo pero kung tatanungin mo ang puso ko umabot ito ng hindi minuto o linggo kundi buong taon dinala ko ang pangyayareng ito hanggang ngayon. Ganon, ganon katindi na simpleng bagay na pangyayare nakuha ko pang matandaan dahil ganon din katindi ang aking nararamdaman. Di ko na nga alintana ang ayos ng muka, o bango ng damit basta’t alam ko nasa harapa kita’t nakatitig.
Ikaw. Sa lahat ng tanong ikaw ang sagot. Sa lahat ng saya ikaw ang lungkot. Sa lahat ng maayos ikaw ang masalimuot. Sa lahat ng positibo na binibigay mo ikaw rin ang bumabawi nito. Ikaw. Lakas ng epekto mo parang kang drugs na nakakaadik na kahit sobrang sama na gusto ko pa, na kahit nakakasira na, sige pa. Para akong gripo na hindi masara na kahit yung pagmamahal ko sayo umaapaw na, nasasayang na pero hindi eto ako nakatitig pa rin sa gripo hinihintay na baka sakali maglaan ka ng panibagong balde na pupunuin ko at sasaluhin mo.
Little Things. Ang kantang pareho nating gusto, ang kantang nagsasabi na sa maliit na bagay na meron ka, minamahal ko ng mas malaki pa. Na sa bawat liriko ng kanta madadama mo kung gaanong kamahal kita. Na hindi ko hahayaang matapos ang gabi na di ko masasabi sayo na sa maliit na bagay na meron tayong dalawa lahat ng yon sa akin ay may halaga. Na kahit simpleng mensahe mo lang na “Mag iingat ka” ginagawan ko na ng malisya na di ko namamalayan na sumosobra na pala ang aking pagpapantansya na di ko alam na hindi lang pala ako ang mahalaga, na hindi lang pala ako ang espesyal na lahat pala yon kaya mo ring gawing sa iba. Ang BIGTIME KONG TANGA!
Last. Oo! Last eto na huli na. Siguro naman yung mga kaibigan ko magiging masaya na dahil sa wakas natuto na akong bitawan ka. Dahil sa wakas handa na akong limutin ka. Eto na yung huli, huling entry na ilalaan ko para sayo. Huling blog na ikaw ang laman, huling akda ng mga bagay na aking nararamdaman, mga bagay na ikaw at ako lang ang may alam. HULI. LAST. ENDING. WAKAS. Eto na yun, eto na yung pagkakataon na isasara ko ng ang gripo at maghahanda na muling buksa ito sa tamang tao na sasalo lahat ng pag-ibig na ibubuhos ko. Salamat sa maganda’t di makakalimutang kwento.
?
Kung bibigyan ako ng pagkakataon para bigyan ng pamagat ang isang akdang aking isusulat marahil pangalan mo ang nasa pabalat. Oo ikaw, pangalan mo! Bakit nga ba ikaw? Sa dami ng tao sa mundo bakit nga ba ikaw nag napili ko? Yung pangalan mo ba ang magiging dahilan ng pagsikat ko? O siyang magbibigay daan para bumagsak ako?
Bakit nga ba ikaw? Simple lang kasi ikaw, ikaw ang laman ng kwento, tungkol sayo at sa buo mong pagkatao. Ikaw, ikaw na nasa unahan ng kwento ikaw pa rin na nasa hulihan nito. Isang librong tungkol sayo pero ako ang susulat nito. Kwento mong hindi ikaw ang magkwekwento kundi ako.
Bakit ikaw? Simple lang, sa pagdilat ko ng mata sa umaga muka mo ang gusto kong makita, sa pagpikit ko ng aking mga mata ngiti mo ang unang naalala. Sa pagbangod ko sa umaga, di ako mag kandaugaga sa pag iisip kung maayos na ba? Maayos na ba ang muka ko? Kailangan ko pa ba magdagdag ng pulbo? Okay na ba ang amoy ng aking pabango? Mapapansin nya kaya ko sa damit kong bago? Sa paghiga ko sa aking kama, di ako mapakali sa pag ngiti, sa paghagikgik at pagtili sa twing naalala ko ang nangyari sa ating dalawa, simpleng tawanan at biruan pero nag uumapaw ang kasiyahan. Kasiyahang sayo lang nararamdaman. Kakaiba ka! Iba ka talaga.
Akalain mo sa pag uumpisa ng araw, ngiti ko’y mag uumapaw dahil sa kabaliwang nararamdaman sa twing maalala kong ikaw ay makikita ko na naman. Sa gabi ay di makatulog lalo na kung ang telepono ko ay tunog ng tunog dahil sa walang humpay nating pag uusap may katuturan man o wala, kasiyahan at tuwa.
Kaya bakit ikaw? Ngayon alam mo na kung bakit ikaw? Kasi ikaw ang nagsisilbing ilaw, ilaw na syang nagsisilbing liwanag para masulat ko ang akdang ilalaan ko sayo, ang akdang ikaw ang pamagat ngunit ako ang sumulat.
Ngayon, may tanong ako sayo. Bakit HINDI AKO? Bakit hindi ako ang PAMAGAT ng akdang SINULAT MO? Bakit ibang pangalan ang nakikita ko? Sa susunod sana... sa susunod na AKDANG ilalabas mo..
PANGALAN ko na ang nasa PABALAT nito.
Accept it and then detach from it.
Lesson from a driver.
Kanina papunta akong cubao sa totoo lang di ko alam yung lugar. Sabi ko kay Manong ibaba ako sa gateway kasi alam ko dun may masasakyan. Umalis na lahat, wala ng pasahero, kami na lang ni Manong. Tapos nagtanong na ako: - non verbatim - "Kuya! Dun sa gateway may sakayan na papuntang sm fairview diba?" "Nako! Wala run sana kanina dun sa may 'shuttle' (not sure) dapat ka bumaba! Sige dyan na lang kita ibaba may mga dyip dyan papunta run." At dahil mahaba ang traffic ang lolo mo nagkwento na! Actually nagsermon si kuya! Huhuhuhu :'( Eto yung mga sinabi nyang words na tanda ko a! "Dapat kasi SINABI MO KANINA NA RUN KA PUPUNTA" "Hirap nyan KUNG DI MO ALAM KUNG SAAN KA SASAKAY, DAPAT ALAM MO!" "Dapat alam mo rin yung mga BABABAAN mo, kung SAAN HIHINTO." Sabi ko "E kasi kuya sabi sa akin dun daw e!" "Aysus! TINETERYO (tokis, hindi naman loko pero medyo) KA LANG NUNG MGA YUN!" "Dyan, dito ka dapat SASAKAY! Dapat alam mo yung SASAKYAN MO, yung ruta" Di sya galit nun hahaahahaha. Tapos ayun bumaba na ako at nagpaalam. Grabe tagal kong naghintay ng masasakyan tapos habang nakasakay uli ako sa dyip naisip ko si Manong. Sulit din naman pala yunh ADVENTURE, yung haba ng oras sa paghihintay kasi WORTH IT! Dahil kay Manong. Dami kong narealize. Una, dapat sa buhay lalo na sa pag-ibig ALAM MO KUNG KELAN KA HIHINTO, PARA ALAM MO KUNG KELAN KA BABABA. Bababa sa pag-asa na magiging kayo, bababa sa pangarap na ikaw yung kanyang mundo at higit sa lahat bababa sa pantasyang masusuklian nya yung nararamdaman mo! Kaya dapat matuto ka munang huminto, ihinto lahat ng imposible, ihinto lahat ng malabong mangyare, ihinto ang pangarap na ika'y maging parte... ng buhay nya! Wag kang papakampante sa mga bagay na pinapakita nya REALTALK: DI KA ESPESYAL LAHAT YON GINAGAWA NYA RIN SA IBA! WAG TANGA. Pangalawa, shoutout sa mga taong nagsasabi sayo na ituloy mo pa, pinapaasa ka sa fairytale na mayron kayong dalawa, sa mga bagay na pilit nilang pinipilit kaya ayan ikaw yung naiipit! Yung puso mo yung sumasakit. Di lahat ng dinidikta ng iba kailangan sundin, tandaan: BIBIG ang gamit nila, PUSO ang nagdidikta. Kung alam mong sinasakyan ka ng kaibigan mo sa katangahan mo pakisabi sa kanya na di kayo pareho! Kung sya kayang magpakatanga sa plastik na mundo wag mong igaya ang sarili mo! Wag kang bubuo ng mala-wattpad na kwento! May taong nakatakda talaga para sayo! Hintayin mo lang na maayos ang plano! Pangatlo, linawin mo kung saan mo gustong pumunta! Di masamang magtanong lahat tayo minsan natatanga! Wag kang matakot humingi ng tulong sa iba lalo na kung alam mong may problema na talaga! Kung feeling mo di ka nya mahal talaga! Payo lang kapatid: ITANONG MO MUNA KUNG MERON BA KAYONG TALAGA? Marami ng kumalat na paasa, mga taong kunwari walang alam pero sa huli sila yung tumatawa, pero kung feeling mo eto na talaga! Aba kapatid TANUNGIN MO NA SYA! Pero sa bawat tanong na may sagot, ihanda ang sarili sa mapupulot! Mga salitang maaring makapanakit sayo, salitang makakapagbago ng nararamdaman mo pero ang mahalaga NALINAWANAGAN NA ANG MADILIM MONG MUNDO. Pang apat at panghuli, alam mo dapat kung kailan sasakay! Dapat alam mo kung kailan dapat bumigay, bumigay ng pusong binakuran mo ng batong matitibay. Sa pagsakay mo sa panibagong mundo dapat alam mo kung ano ang maaring maidulot nito! Hindi lahat ng byahe MASAYA AT TOTOO minsan LOLOKOHIN AT PAPAIYAKIN ka nito. Sa bawat pagsakay hindi dapat iaasa sa isang tao ang kaligtasan, dahil ang sarili mo ay dapat mo ring ingatan! Kung sa dyip nga may sukling inaabot ano ba naman yung magtira para sa sarili kahit na kakarampot? Simula ka muna sa huli tapos pagdating sa una, simulan mo uli sa huli kasi kung minsan NASA HULI ANG PAGSISI, minsan nasa HULIng hakbang ang dahilan kung bakit tayo ngayon ay NASASAKTAN. Hindi nahihinto ang byahe ng buhay, araw araw may bago, araw araw may mabibigo, araw araw masaya at may taong nasaktan at iniwan ng taong mahal nya. Pst! TANGGAPIN MO ANG REALIDAD, REALIDAD NA MAGPAPAKITA SAYO NG MASAKLAP NA KATOTOHANAN AT HINDI YUNG MATAMIS NA KASINUNGALINGAN. Yun lang. Grabe si kuya ang deep hahahaha chaaar.
You can never cross the ocean unless you have the courage to lose sight of the shore.
Motivational Quotes (via whatsapp-quotes)
Believe you can and you’re halfway there.
Motivational Quotes (via whatsapp-quotes)
Dare to be strong and courageous. That is the road. Venture anything. Be brave enough to dare to be loved.
Sherwood Anderson, Winesburg, Ohio (via bookmania)
Justin Bieber
“Justin Bieber” pamilyar na pangalan.
Taong nagpapaala sa akin kung gaano kita kamahal at kayang ipaglaban.
“I will never say never. I will fight till forever” Oo gaya ni Justin na idolo mo yung pagmamahal ko sayo ay makikita mo sa mga liriko na to. Bawat letra at salita, “NEVER” Never kitang iiwan dahil FOREVER, forever kitang mamahalin. Naalala mo yung unang kantang pinasikat nya? Ang kantang tago sa puso at kaluluwa?
“You are my love, you are my heart and will never ever, ever be apart” Kantang tatak talaga at magmamarka. Kung pwede ko nga lang sabihan si Justin na itigil nya na ang paggawa at pagsulat ng mga kantang tumatama para sa ating dalawa pero siguro may dahilan kung bakit nakikita kita sa bawat kanta na nilalabas nya.
Yung mga kanta nya na hindi talaga para sa ating dalawa kundi para sa akin lang pala talaga. Nung mga panahong sinabi mo sa akin na ayaw mo, ayaw mo pang magmahal ng totoo, masakit OO. Pero ano nga bang magagawa ko? Kundi hindi maghintay sa pinakadulo, maghintay na maging handa ka sa pag-ibig ko.
“What's gonna make you fall in love I know you got your wall wrapped all the way around your heart Don't have to be scared at all, oh my love But you can't fly unless you let yourself, You can't fly unless you let yourself fall”
Paulit ulit ko sayong sinasabing wag kang matatakot, matatakot na magmahal at masaktan dahil nangako ako sa sarili kong hinding-hindi kita iiwan. Kaya lang ayun nung handa ka na sa lahat tsaka ka nasaktan.
“If I was your boyfriend (girlfriend) I never let you go” Sana nakaya kong hilahin at ipaglaban ka, sana kaya kong sabihin sayo na ako na lang sana para di ka na nahirapan pa.
Tapos may balitang kumalat si Justin nagbago at namahinga, yung mga kanta nya ngayon sikat na talaga. Tapos eto naalala na naman kita.
“And you've blessed me with the best gift That I've ever known You give me purpose”
Binigyan mo ko ng saysay para mabuhay, saysay para magmahal, saysay para di sumuko. Naalala ko nung umiiyak ka ang saysay ko ay punusan ang luha mo sa mga mata, pangitiin at pasayahin ka hanggang sa tumahan ka. Dumating yung araw na ayoko na! Ayoko na maging kaibigan lang, ayoko na maging tagapunas lang! Ayoko na makita ang bawat paghikbi at pagluha mo dahil sa kanya! Nasasaktan ka, ako rin.. Ako rin mahal! Sobra sobra! Handa naman akong palitan sya, handa akong bumuo ng bagong alaala na kasama ka. Ikaw ba handa ka?
“What do you mean?”
Noong handa na ako diba yan ang mga katagang binitawan mo? Kung wala lang tayo sa seryosong senaryo marahil natawa ako sayo! Sobra mo ata syang iniidolo? Na kahit sa pag amin ko e nasingitan mo pa ng liriko. Alam ko namang di mo tatangapin ang nararamdaman kong matagal ko na ring gustong aminin. Binigyan man ng tyansa ngunit mapait ang tadhana kaya eto at wala pa rin.
“Is it too late now to say sorry?”
Huli na ba? Huli na ba para humingi ng patawad at despensa? Huli na ba para sabihing hindi ko sinasadyang mahalin ka? Huli na ba para sabihing ako na lang at wag na sya? Na sana ako na lang para di ka na masaktan. Na sana ako na lang para di ka na maging luhaan. Na sana ako na lang para muli ka ng sumaya?.... Marahil huli na nga. Kaya bago ako umalis sa tabi mo, bago kita iwanan at hayaang masaktan, bago ko sabihing bibitaw na ako, bago ko sirain ang samahang nabuo, at bago ko hayaang gumuho ang aking mundo.. Gusto kong sabihin sayo na
“And baby I be movin' on and I think you should be somethin' I don't wanna hold back, maybe you should know that” Sa susunod na magmamahal ka mahal, wag mong hahayaang ikaw lang ang masasaktan, sa susunod na magmamahal ka mahal, wag mong hahayaang ikaw an magiging talunan, sa susunod na magmamahal ka mahal, sisiguraduhin mong hindi sa iyong kaibigan!