Buong buhay ko, biktima ako ng “Maganda ka nga, ang taba mo naman”.
You can’t even imagine kung ilang beses na akong nasabihan ng ganyan. Magulang ko nga sinasabihan ako ng ganong salita, yung iba pa kaya. Suki ako sa mga tiyahin ko, alam nyo, yung mga titas na puro pula lang sa mga pamangkin, pero baho ng sariling anak di nila nakikita. Dumating nga ako sa puntong di na umaattend ng family gathering kase oras ng kainan sinasabihan ako lagi ng “Wag kanang kumain nyan, lalo ka lang tataba”.
Mataba naman sadya ako, simula bata palang, malaki katawan ko. I love to eat, I eat everything, wala akong arte sa pagkain, lahat ng gulay at prutas kinakain ko, isda, karne, wala akong pinipili. I really love food.
Nung teenager ako, doon ako nadepress kase nga ba’t yung iba ang ganda ng katawan, bakit ako malaki hita ko, may tyan, malaki braso ko. Ba’t ako lang ang sinasabihan na masama ang katawan, dahil ba mataba ako? I started starving myself, pag may kinakain ako na feel ko ang bigat, sinusuka ko din kaagad. Hindi na ako lumalabas ng bahay kase feel ko ang pangit ng mga suot ko, kita taba, kita bilbil. I hated my body, I hated myself, gusto ko mapuri din ako ng iba. I was so insecure ang uncomfortable with my body. Ilang taon tumagal ang ganyang mindset ko. Very toxic.
But you know what. At the age of 24, hindi nabawasan ang timbang ko since nung teenager pa ako and I feel so sexy rn with my curves na kayang kaya kong mag two piece sa dagat. Kaya kong mag dress nang maigsi, kaya kong mag shorts, kaya kong mag spaghetti. And who cares kung may pupula man sakin. I’m not doing anything wrong to you. Hindi katawan ko ang nag bago, hindi rin ang sinasabi ng iba ang nag bago. Mindset ko ang nag bago. I eat everything I want, always with moderation syempre. I feel comfortable with myself, I love myself, I love my body. I thank myself kase nakaya kong ibahin ang isip ko. Biggest flex ko talaga ang katawan ko ngayon, hahaha! I’m happy with myself na tinatawanan ko nalang yung mga pulaera kong tita pag naiinggit sila at nakikita nila akong masaya pag naka two piece :)))))











