Ang Buhay ng Bestfriend.. Bow!
Ang sarap sa pakiramdam pag yung nakaaway mo dati.. nakasundo mo na. Parang wala kang ng iisipin pa sa tuwing matutulog ka na "galit pa kaya sya sakin".. kaso sakin parang iba.. sa tuwing may makakasundo ako, may makakatampuhan ako.. ang gulo.. parang ang hirap ng ganun.. mas gusto ko pa yung nag sosolo eh.. atleast yun wala ka talagang masasaktan na iba.. pero sa sitwasyon ko.. malabong mangyari yun.. napaka friendly ko daw kasing tao.. yun yung sabi nila.. haha.. sa sobrang dami kong kaibigan.. madami narin akong sikreto.. pinagkakatiwalaan kasi nila ako eh.. nakakapagsinungaling narin ako dahil may kailangang itago o ipatago.. ang hirap din pala maging "bestfriend ng bayan" minsan, nagiging bagsakan ng problema.. ayos lang naman sakin yun.. gusto ko maging kaibigan sa kanila para kung minsan mabawasan naman yung problema nila.. nakakalungkot lang sa sitwasyon ko dahil minsan yung iba napapabayaan na.. kailangan ko kasing mas unahin yung may pinaka mabigat na problema..
Minsan nga sinubukan kong walang comm. sa lahat ng kaibigan ko liban sa isang tao.. kasi kailangan ko syang tulungan.. dahil hindi ako nagrereply sa iba nun.. may isang ng mura sakin sa text.. grabe yun.. lata yung katawan ko dun.. di kasi talaga ako sanay ng minumura sa text o chat.. ayos lang kung biruan eh.. pero yung ganun.. mas tanggap ko pang murahin ng harapan.. tapos walang kwentang kaibigan daw.. ni hindi ko daw sya matulungan sa problema nya.. haha.. hindi pa ata tulong yung nagawa ko sakanyang iba..
Nagtext yung SDBF ko nun.. rarasenggan-in nya daw yung nang mura sakin. XD Medyo natawa naman ako dun.. pero di ko parin makalimutan yung hanggang ngayon eh.. "walang kwentang kaibigan" paano pa kaya yung hindi pa nagrereklamo.. hirap talaga maging bestfriend.. pero masaya dahil nakakatulong ka kahit sa maliit nilang problema.











