Shutanginang Huling Weekend ng January!
Shuta talaga! HAHAHAHA! Ganito kasi yan, nung Friday, nanlibre ang Berto at Migs dahil napromote na sila as AM. Manlilibre sila sa all4u u4all bayanihan of the people sa may Century Mall. Medyo late pa nga kami nakaalis kasi shuta ang mga trabaho namin. Hahaha. Wrong timing ang OT. Ang aga aga ko pa naman pumasok para maaga ako rin ako makaalis, pero nganga. Anyways, mga 7pm na yata kami nakapunta dun, pagdating namin ang haba pa ng pila. Shuta naman oh. Haha. Nagpalista pa rin naman kami tapos nagpunta ng Samgyupsalamat at chineck kung konti lang pila dun, pero mahaba pa rin. So balik ulit sa all4u. Napagdesisyunan na lang na maghintay na lang don. Okay lang magkakasama naman kami so kahit matagal maghintay, keri lang. Laban lang! Pero si bins, hindi na niya natiis. Charot. HAHAHA. 8pm yata siya umalis kasi may imple pa siya. Ganyan talaga mga kabatch ko, mga bagani ng BPI. HAHAHAHA! Dyusko day! 10pm na yata kami nakapasok, hindi ko na alam kung anong oras hahahaha. Basta matagal. Dun kasi sa uupuan naming table, ang tagal tagal umalis ng mga chuwariwap, eh hindi naman na sila kumakain at nagsosocial media na lang. Natatawa ako kila Ivan, hahahahah. Gusto na nila sugurin kasi nagugutom na kame. Hanggang sa natapos na sila. Nakapasok na kami sa loob. Unang 45mins, walang nagpapansinan sa amin kasi nga gutom na. HAHAHAHA! So, laban!
Ang saya po ano? Yung tipong hinihiniling mo na sana hindi tumakbo ang oras kasi shutangina ang saya! HAHAHAHA!
Pitmalo talaga mga ludi!
Teka, teka. Kailangan may Elevator Shots! HAHAHHAHAHA!
Pagkatapos mag kainan, syempre, inuman naman po ano. HAHAHAH. Rumekta na kami sa chopstop para magwalwal na naman. At leche, walang Smirnoff, buti na lang may Andy Player. Tapos since, minsan lang naman sumama ang Berto sa inuman, siya ang topic ng lahat ng usapan. HAHAHAHA.
At syempre po ano, ako po ang 7th wheel ano. HAHA! Carol + Rex. Ivan + Jacq, Sinbeh + Oneh. Eh di wow!
Tapos kila Ivan na naman ako natulog. Wew. Binuo lang talaga namin na lahat ng Fridays ng January, kami ang magkakasama. Hahahahaha! Dyusko. Umuwi ako sa bahay ng Sabado para lang maligo at kumuha ng damit, kasi dadayo naman kami kila Jacq sa Laguna para syempre mag-inom ulit. Hahahaha.
Nauna na sila saken sa Terminal ng Bus. Medj late ako kasi late na rin ako nakauwi. 9pm na yata ako dumating. Hahaha. Dyusko day! Pagod na pagod na ako ng araw na yan! Buti na lang mabilis lang ang biyahe papuntang Laguna. Pagkadating kila Jacq, inom inom na agad. At FYI, wala pong tama ang GSM Pomelo ano. So wag na kayo bumili ng ganon. Hahahahaha.
At may paportrait nga po pala ang pitmalo naming kaibigan ano!
Kinabukasan, medyo maaga nagising ang mga tao kasi sasamba sila ng 10am. Hahahaha. Naligo na ang sinbeh, tapos biglang sinabi na 3pm na lang daw sasamba. HAHAHAHA. Umasa besh. So, tumambay na lang muna sa kwarto hanggang nakita ko ang Video ni One at Sinbeh na naghahampasan ng unan. HAHAHAHAHAH. Tapos pucha! sobrang laughtrip nung GIF na nagawa ko from the vid. ETO OH!
SHUTA YAN! HAHAHAHHA! Mga halos 1 hour yata kami tawa ng tawa. Hahahaha. At habang tinatype ko to, tawa na naman ako ng tawa. HAHAHAHHAHAHA! Punyeta! Hanggang sa umalis na talaga sila. So tumambay lang muna kami ni One sa rooftop witha Kayumanggear Hammocks while soundtrippin' witha background of the ulan ulan.
Nung una, kape kape lang kami sa rooftop kasi ang sarap ng feels. Tapos biglang nagsimula nang magkwentuhan ng mga shit sa buhay. Nang biglang, "Tara, inom tayo. Bili tayo Empi sa baba." Ayun. Eh di bumili kami ni One ng Empi nang biglang nagtext sila Ivan na hindi raw sila nakasamba kasi ewan ko basta ganon. Hahahahaha. Pagkabalik nila, naka 3/4 na kami sa Empi. Dyusko! HAHAHHAHA!
Kwentuhan ulit. Nung una, si Jacq lang kakwentuhan namin ni One. Pinag-usapan namin kung paano sila nagka-emehan ni Bulilit. Hahaha! Tong baklang Jacq na to, kilig kilig naman. Hahaha! Pero first time ko kasi yata napakinggan yung kwento na sa side ni Jacq.
So ayun, hanggang sa dumating na si Ivan. Tapos pinag-uusapan kung paano nga ba kasi malalaman na nakamove-on na eme eme. Actually, hindi ko na maalala mga kinuda ni Ivan. Hahahaha! Pero basta ganon.
Hanggang sa sumunod na sila Kim at Sinbeh. Tapos inom inom at kwento kwento na ulit. HAHAHA!
Gusto ko talaga yung moment simula bumili kami ng empi hanggang sa may nagsuka eh. HAHAHAHAHA! Nyeta! Hindi ko maexplain kung bakit nagkwekwento na ko ng mga eme eme sa mga tao ngayon. Hahahaha. Dati, never have i ever akong nagkwekwento ng kahit na ano. Haha. So yun, may mga bagong bagay na naman akong nalaman. HAHAHAHAHAHA! Hanggang sa bumili ulit ng pangalawang Empi. Hanggang sa may nag-yayakapan na sa gilid, may nag-aminan na, may nagpapunta ng kaibigan na hindi niya maalalang pinapunta niya pala, may nag-iyakan, may nagsuka, may pictorial na yung photographer lang ang nakakaalala at ang huli, may nagpakape ulit. HAHAHAHAH.
At eto na nga ang papictorial/grouppic na hindi na namin maalala kung paano nagsimula at kung bakit pero basta mashaaaaaya!
#LoveWins pre!
SHUTA TALAGA! Ang sarap ng kape kila Jacq! HAHAHAH! Pero grabe talaga yung gabing yon. Hahaha! Daming ganap besh. Although may mga parts na na hindi ko maalalang naganap(unless may magpa-alala), solid pa rin. Hahahaha! Mga shuta kayo! HAHHAAHA! Ala una na yata kami natapos. Ilang beses pa akong nagtatanong kung may masasakyan pa ba pauwi kasi gabi na nga, at magBabaguio pa ako. Hahahaha! Buti na lang at gising pa si Abdul kaya nagpasundo na lang kami sakanya. Awwww! Grouphug!
At pagkauwi ko na naman ng bahay from Laguna, naligo lang ulit ako para naman mag Baguio for the shutanginang passport.
At gulong na naman po tayo ano? 3rd wheel besh! HAHAHA!
HAHAHAHAHAHA! Ang sarap sarap sa Baguio, parang gusto ko na talagang magmigrate don. Huhu. Ang dali lang kasi magprocess ng govt shits kasi malamig! HAHAHA! Hindi nakakairita. Medyo sad nga lang kasi kaya nga sa Baguio ako nagset ng appointment eh dahil sa shutanginang Salisbury Steak sa Ililikha, kaya lang nanganak si Ate, so closed sila. Sad. So, bumili na lang ako ng Bugnay Wine para sa walwalan ulit sa Manila! HAHA!
Hanggang sa nakauwi na kami ng bahay, SHUTA BESH! NAMISS KO YUNG KAMA KO! HUHUHUHUHU.
Tapos ngayon, eto na, balik na naman sa reyalidad. Solid tong weekend na to! HAHAHA! Feeling ko, 1 week akong nawala. HAHAHA! Eto talaga yung ayokong part after ng mga lakad eh. Nakaka #Sepanx besh. Nakakalungkot. Hahahaha! Tapos pilit mong inaalala ang mga ganap nung lumipas na weekend. Alalahanin lahat ng mga nakakatawang moments, tapos malulungkot ka na naman. Shuta. AHHAHAHA!
Hanggang sa susunod na shutanginang weekend!













