Ciento Cinco Igualdad, Balayan Batangas
Enjoy the taste of freshness and unique taste of Ciento Cincos pasta, cakes and drinks. –APRUB!
Last September 29 2013 they celebrated their first anniversary, kaya naman may malaki silang puwang sa aking munting blog, hehehe wala pang 2 months akong kumakain dito kaya naman pwede akong kumanta where have you been all my la a ayf!! by Rihanna , hehehe
photo courtesy of Bianca Isabel Mercado
Isama na sa itinerary nio ang Ciento Cinco Igualidad sa mga pupuntahan nio dito sa Balayan, Batangas
please click all photo for photo source.
Sinabi kong unique kase sila palang sa ngayon ang nag o offer ng bagong lasa sa mga taga Balayan, sabi nga ng mga kaibigan ko hindi ka mapapahiya kung mag dadala ng friends dun para kumain. Isa sa mga nagustuhan ko sa Ciento Cinco ay na me maintain nila ang lasa ng pag kain(I think it was the most important thing na hinahanap mo sa isang restaurant, at hinahanap ko sa restaurant, ang panget kase minsan na dadayuhin mo pero naiba ang lasa ng favourite mong pagkain at ma di disappoint ka) at isa sa may pinaka mabilis na service dine-in man yan o mag pa pa deliver ka , nakaka tawa at nakaka “amazing” lang kase 2 or 3 employees lang ang meron sila pero ang bilis ng serbisyo and one time nag pa deliver kame yung may ari pa yata ang nag deliver kaya naman lalong naging “special delivery”.
Place:
Hindi kalakihan, para lang talaga sya sa maliit na barkada pero perfect naman sya sa nag de date.
Price:
Very affordable
Price Range: 80-120 pesos only for pasta
25-350 for cakes
25-120 drinks (coffee, fruit shakes and smoothies )
I recommend Cheesy Rigatoni for only 120 pesos and add your favorite drink.
Mas i sina suggest ko ito para sa mga taga Balayan at kalapit bayan kagaya ng Lemery, Calaca, Lian, Calaca, Calatagan at Nasugbu o sa mga nag bi Visita Iglesia o para sa mga Holidays na kasama ang Balayan sa mga pupuntahan.
Visit their page Ciento Cinco Igualdad
for deliveries :
43-407-30-83
0927-843-2587
Location: near Balayan market













