College layp :3
Haaysss. Akala ko pag college. parang high school lang din na intense. Kaso sobrang intense pala talaga nya. Nakakaiyak sya. Yung atmosphere ibang-iba sa nakasanayan. Kumbaga sabi nga ng isa naming prof, ang college daw talaga ay parang paghahanda para sa future. So kailangan talaga pagsumikapan. Hayssss. Nakakakaba talaga araw-araw. Yung di mo alam yung mangyayari. As in surprise kung surprise. Yung kailangan mo talagang mag basa araw-araw. Kahit mag advance study pa. Nakakaiyak lang yung shotgun kang tatawagin. Yung tipong hindi mo alam na ikaw na pala yung magrerecite. Yung diretso grade agad. Hayss. Nakakapressure. Pero laging nasa isip ko na “yung iba nga eh kaya, ano pa kaya ako diba,” Pero sana kayanin yun ng paniniwala ko lahat ng stress at kaba. Sana talaga. Pero enjoyin ko na lang to. Baka magsisi ako na hindi ko inenjoy eh. Hahahaha. Hayyss. Basta si Lord na bahala sa akin :)










