Goofing around while daddy is giving a talk. Hindi ko alam kung advanced lang talaga ang mga bata ngayon (o ako ang delayed ahha) Pero recently, nakakakilala ako ng mga batang sobrang gagaling. Si Tiara, 5 yrs old. Ang press release nya, kinder 2 sya pero ang totoo hindi pa sya n ag aaral. Home schooled sana sabi ni Tito kaso hindi natuloy. Marunong na sya magbasa. Tinanong ko kung sinong nagturo sa kanya. ANg sagot ba naman, “I’m self taught”. Kelerki. Haha. Dami naming napagkwentuhan. Shinare nya na gusto nyang maging fashion designer at model. May dala sya ng drawing ng mga damit na ginawa nya. Nakakaaliw. Kiniwento din nya yung mga pranks nya kay Chubs (baby brother). So smart and charming!
Tapos nung pauwi na sila, hinug nya ko. Sabi nya. “that hug means thank you. Thank you for the wonderful night”. My heart melted. Thank you too Tiara!
Ps: invited daw ako sa fashion events nya sa future. Anak ng tokwa, di man lang muna naginvite sa 6th birthday nya. hahaha














