UNLI-usap :">
Alam mo bebe, kahit malayo ka pakiramdam ko ang lapit lapit mo lang sakin. Araw- araw kita kausap, minu-minuto at oras-oras. Alam mo san san ako talo, yun yung hindi kita nakikita at nakakasama personal. Thank you dahil lagi mo kong binibigyan ng time ah. Sobrang naapreciate ko yan.
Hays, lagi pa rin talaga kitang namimiss. Tuwing saturday, excited ako umuwi kasi alam ko makakasama kita ng saturday-monday pero ngayon, tinatamad na ko. Nawala na yung excitement. Pakiramdam ko kapag nandun ako, wala akong magawa, nakakaboring at ang lungkot. Namimiss ko yung time na kapag nandun ako, tatawag ka agad sakin tapos kapag di ko sinagot, tinatadtad mo ko ng texts. Basta lagi mo kong hinahanap e. Gusto mo kapag nanjan ako, lagi mo akong kasama. Kasi kapag kasama mo ako, sinasabi mo saken na nakakalimutan mo problema mo. :)











