Re: in consuming news and current events
Alamin ang mga impormasyong nasasaksihan sa mga balita, ngunit huwag masyado papaapekto rito. Magmasid at matuto.
Kung may kakayahang makatulong sa kahit anong paraan, halimbawa: para mas malinawan ang madla sa mga pangyayari, at magdulot ng ginhawa sa kabila ng mga suliranin, gawin.
Marami mang balita ang dumating ngayon, nawa, hindi ito magdulot ng pagkawala ng ating atensyon sa pinakamahahalagang isyu ng ating lipunan.
Dahil mas mahihirapan gumawa ng kalokohan ang mga nasa upuan kung nakatuon ang atensyon sa kanila ng taumbayan.















