Bata, aking paalala.
Bata, aking paalala, kung anuman ang maging resulta, ay tanggapin mo na. Isuko mo na.
Nagawa na ang buong makakaya, kaya kung hindi man sumikat ang umaga. Ituring ang mga sumunod na araw bilang paghahanda, upang ang mga kamalian ay maitama.
Hindi na makokontrol ang nakalipas na, kaya, lumakad ka na, patungo sa lugar na hindi natin alam kung ano ang dala. Halina, tayo ay gagawa na ng panibagong akda. Kung saan lahat ng ating mga natutunan ay mailalathala.
Kaya naman bata, aking paalala. Tahan na, at wag nang mag-alala. May panahon pa para ang iyong buhay ay gumanda.
Kaya sa gitna ng iyong pag-iintay, linangin ang sarili na tila bang may pinapanday. At, kung dumating ang panahon na tila ba nandito ka muli sa sitwasyong na iyong inaalala.
Palaging sabihin sa sarili, "sa abot ng aking pinaka-makakaya, tatapusin ko ang aking istorya." Kilos na, talikdan ang pagkakamali.
-J.C.B.E.




















