kya rhads:) mag aask lang ako, matagal na kasi akong naghahanap ng gaming pc, san ba makakabili nun? tnx.
Sa Gilmore Quezon City mura at madami pero ingat ka lang din, marami dun ang nang tataga ng presyo. Kung tutuusin nasasabi lang naman na GAMING PC ang isang PC depende sa Specs nito. Pero may mga gaming laptops din like ALIENWARE or MSI. Meron din ang ASUS na inoffer na mga ganito.
Mga around 100k yung MSI Gaming Laptop. Then yung ASUS eh 88k dito sa atin. Pero sa ibang bansa 60k lang. Then yung Alienware yung mahal, kasi DELL ang may hawak nun.
Yung akin gaming cpu, ako lang ang assemble. Kung gusto mo kopyahin mo na lang, kumbaga mura na to sa 35k. Kumpara mo sa mga gaming laptops na yan. Kung hindi ka naman kasi pala alis ng bahay at diyan ka lang lagi sa inyo eh mag desktop ka na.
Eto specs nung akin, post ko na rin para mag ka idea lahat.
i5 Quadcore 3.40ghz
Gigabyte USB 3.0 Quad memory
8gig ram
GTX 560 2.5gig 3D Ready DDR 5 Video Card OC Edition
1 TB Harddrive
800 watts power supply
Samsung Dvd Burner
At isang Gaming Keyboard! a4tech X7.
Gaming Mouse na Roccat.
Kung may monitor ka na naman sa bahay, mas makakatipid ka. Basta lahat lahat ng gastos ko sa CPU at Mouse and Keyboard is 37k.













