The Lord works out everything 💕
I just want to share my thoughts about the purpose of Lord in my life. This is my first time sharing haha and hindi pa ako ganon kaganda magsulat pero I'll try. 3months ago, I had my breakup, my very first breakup. I suffered a lot 'cuz syempre first boyfriend and we've been together for 2yrs and 6months. Yes, up until now feeling ko I'm not yet totally moved on. We're happy, but then sometimes there are misunderstandings na nauuwi minsan sa sakitan physically and emotionally. Siguro hindi na namin kinaya kaya ganto pero swear I really really love him, I can't say na it's my fault or it's his fault because pareho kami at fault and we both know that. Ganon talaga nangyayari ung mga bagay na di natin inaasahang mangyayari. Naniwala ako sa mga promises nya , sa mga assurances na binigay nya saken pero promises are meant to be broken eh yan ang sinabi ko sa sarili ko after we broke up. Pero you know what? Isa lang ang hindi sumisira sa promise at yun si Lord, si God.
After ng breakup, nangyari pa ang isang kinakatakutan ko, delayed graduation. Yes, after we broke up di ako nakapagfocus sa studies ko, and that time we have our evaluation exams and kailangan ipasa yon or else you will not graduate. And that time when I already know na delayed ako, di ko masabi agad sa parents ko na di pa ako gagraduate kasi alam ko magagalit sila, and iniisip ko na baka mawala ung trust nila saken. I prayed, and I prayed, I also cry. Di ko na alam gagawin ko kasi sobrang nasasaktan na ako sa mga nangyayari sa life ko. Sumasama ako sa mga friends ko maggroup study, gumala, magvideoke pero at the end of the day I'm still sad, I feel empty pa din, ang hirap magmove on lalo na pag nasanay ka na. Pero eventually, nasabi ko na din sa parents ko, and thank God, di sila ganon nagalit kasi nakikita naman nila na nag aaral naman ako mabuti and mahirap talaga kasi. Instead, support support lang sila saken and from now on, gagawin ko na ung best ko.
One day, a friend of mine messaged me on facebook and niyaya nya ako umattend sa church nila, I've been to other churches, christian churches kaya alam ko na mga ginagawa don or pano sila nagwoworship and praise... meaning di na bago saken ung atmosphere. So sabi ko sa friend ko, okay I'll come. Preaching na, one of the Pastors nandun sa stage, and then he talked about the word of God. Then alam mo yung parang ikaw yung kinakausap ni Lord, ung lahat ng sinasabi ni Pastor relate ako. Until then, naramdaman ko si Lord, sumasagot sya saken sa lahat ng mga tanong ko sa puso at sa isip ko. After that, nagtuloy tuloy na ako pumanta sa church na yon, and may leader ako na nagguide saken. Di pa naman ako ganon katagal don haha actually pang 3rd time ko palang pumunta ngayon. Pero kasi iba eh pag si Lord na ung mismong kumakausap sayo. Dun nalinaw saken, what God wants us to feel, to see, to believe and to do. May purpose si God saten, and now eventhough sometimes nagmumukmok pa din ako pero when I seek Him nawawala ung doubts ko and after a little while feeling complete na ulit ako. And I thought, siguro plano ni Lord talaga na magbreak kami ng boyfriend ko, plano ni Lord na di muna ako gagraduate ngayong May, para ano? Para itest ako, itest ung faith ko. Para hayaan Siya na gumalaw sa buhay ko, kasi di mo mahahanap sa isang tao ang completeness eh walang taong perfect pero si God,... Perfect Siya.
After ng breakup ko and iba pang problems, bigla akong niyaya ng friend ko na magworship sa Kanya, will yon ni Lord para pumunta ako ulit sa Kanya and mapalapit para sabihin saken na "Anak, this is your Home." Ang kailangan lang natin gawin is surrender our life to Him, because God has plan for you to prosper, to grow and not to harm you, believe. I believe na will ni God na grumaduate ako pero hindi ngayon kasi di pa ako handa. Hinahanda nya pa ako ngayon, on the process pa ako kasi I know paghanda na ako ibibigay ni Lord ung higit pa sa hinihiling ko, yes ibibigay nya na makagraduate ako, na maging CPA ako pero di pa don nagtatapos kasi may ibibigay pa Siya na mas marami, parang "wait there's more" ung siksik, liglig at umaapaw kumbaga.
For now, I will praise Him and I will let God do what He wants to do in my life. Trust the process, trust God ❤ hintay at tiwala lang pupunta din tayo sa gusto nating marating. And ngayon I can say na kahit di pa ako totally moved on talaga, pero malapit na kasi winoworkout na ni Lord ung puso ko, nasa healing process na ako and eventually magiging buo na ulit ako ❤❤❤ Aayusin lahat ni Lord para sayo basta believe in Him, and surrender your life to Him. 😊😊😊


















