Omg yass i've been craving this months ago at dahil sinipag akong lumabas ayaaaan naaa siyaaa aAaarhhghh naramdaman ko na ulit yung init sa bibig ko na nginunguya ng mga ngipin at nilalasap ng dila ko oh~ ang sarap at tamis ng takoyaki ❤ (oh inimagine mo noh?) Kung paano ako kumain hahaha chz. Eto trivia kung ba't peyborit ko to: una ko tong natikman sa Baguio way back 2017 (syempre alam niyo na gala ako) I think malapit ata sa Burnham Park, yung mga nagtitinda ng street food as in kahit saan palang sulok makakakita ka ng mga nagbebenta haha like kwek-kwek, chicken skin, hamburgers, lugaw, mami, balut at yung mga orange na itlog ng ethics atbp. Pero eto pinakafave ko kahit na ang init eh isusubo mo agad kasi ang lambot sa bibig tapos ang sarap ng lasa haha omg ang o.a ko na pero pag di mo pa to natikman at pag ayaw mo neto di tayo bati yun lang haha anyway, nagtake out pala ako tapos nagustuhan din nila dito sa bahay tapos tinake outan ko din pinsan ko 'new favorite' niya na rin daw oh di ba?? Kahit sa mga simpleng bagay na yan maalala niyo ako.

















