From March to June because of Pandemic at dahil sinusunod namin ang lahat ng protocol ng government nagtiis kami kasama ang pamilya ko na manatili lang sa bahay at hindi lumabas. Hindi kami makalabas ng bahay, Hindi makabali ng ulam, walang income, stop operation ang business, lahat tinigil namin. Sa loob ng tatlong buwan wala kaming sinuway dahil alam namin ang epekto kapag nagmatigas kami.
Hanggang sa bumalik paunti paunti yung nakasanayan hindi man kasing normal ng dati pero unti unti kaming nakausad. Malaya ulit kaming maghanap buhay kahit sobrang laki ng nawala sa amin. Hindi parin namin nakakalimutan na unahin ang safety ng bawat isa. Hindi kami lumalabas ng bahay na walang mask, hindi kami pumunta sa mga matatao na area. Iniiwasan namin yung mga lugar na pwedeng mahawa kami sa Virus.
Meron kaming kapitbahay na isang Frontliner taga sundo siya ng mga nagbabalik probinsya. Oo, risky ang trabaho niya at pati kami pwede madamay kaya sinabihan namin siya na baka pwede na hindi na muna uuwi dito sa amin para sa safety naming lahat pero sabi niya safe daw siya kasi naka PPE naman daw siya while performing her duty. Nagkasakit ang mom niya stage 4 cancer and they are close to our family.
Ilang buwan, araw ang nagdaan nagkikita kita kami pero never kaming nag uusap kasi nga malapit lang sa amin. Hindi namin alam nung August 14 sinwabtest pala siya and by August 20 lumabas yung result na POSITIVE nga siya pero Asymtomatic. Lahat kami nag panic lalo na ako, hindi para sa sarili ko kundi para sa mama ko. May instances kasi na nakapag-usap sila once pero naka mask naman sila dalawa and malayo naman sila sa isa’t isa. Hindi ko alam mararamdaman ko, kinakabahan ako, natatakot ako para sa pamilya ko. Lagi niya sinasabi wala naman daw dapat katakotan kasi wala naman daw siya nararamdaman at wala naman kaming close contact sa kanya pero hindi mo maiaalis sa amin na kabahan kami at matatakot kasi paano kung nahawaan kami? Pano yung mama ko? yung pamangkin ko? yung buong pamilya ko? Pero positive parin ako sa iniisip ko na hindi mangyayari yun, lagi akong nagdadasal na sana wala talagang nahawa sa amin. Hindi ko kaya. Araw araw iniisip ko kung mga posibleng mangyari.
As of now, lahat kami okay naman. PUM yung mom ko kasi nga nakausap niya kaya iniba namin siya sa amin lahat at kami naman walang lumalabas sa amin at nakakalungkot lang na may mga kapitbahay kami na ang dumi ng tingin nila sa amin porket mas malapit yung bahay namin. Pero hindi naman namin sila masisisi kasi mahalaga din sa kanila yung safety nila kaya sana lahat maging okay.
Please pray for my family at sa lahat ng may mga pinagdadaanan ngayon kasi ako? Tbh, hindi ko kayang makita yung mama ko na nakakulong lang sa kwarto at hindi ko mahawakan. Alam ko naman na She’s okay pero gusto ko matapos na ang lahat ng to. Please isali niyo kami sa mga dasal niyo, malaking bagay to para sa amin at sa akin.