From a HOUSEMATE into a HUNK ACTOR (Can get over of James Reid)
Nagsimula ang showbiz career ni James noong naging parte siya ng pinakamalaking reality show hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo ang Pinoy Big Brother. Siya ay kabilang sa ikatlong season ng mga teenagers year 2010 na nanirahan sa loob ng Big Brother House na kung saan ay ang binata rin ang tinanghal na Big Winner.
Ngunit after winning the said reality show, nag-guest siya sa iba't ibang shows ng ABS-CBN kung saan siya nakilala in just a couple of months then nakakagulat na lamang na bigla siyang nawala. "I was changing management a lot, also I was taking a lot of workshops not just acting and also Tagalog since then I was not taking it seriously but now I am really pushing it" That is the explanation Pandayan Bookshop got from him noong makausap naming siya kamakalyan sa location kung saan nagshoot ang Diary ng Panget the movie.
Sa ngayon nga ay part na si James ng Viva Entertainment Talents na kung saan ay pinakilala muna siya bilang isang singer and musician since ni-launch niya ang kanyang self-titled album sa Gold Rising 2 Event ng PSICOM Publishing. Masaya at kumportable ang binata sa pangangalaga ng Viva sa kanya. Dagdag niya pa na sobrang thankful siya to have the role as Cross Sanford, isa sa mga lead characters ng Diary ng Panget the movie at pati narin kay Boss Vic dahil talagang binigay nito sa kanya yun buong tiwala at nakita nito un potentials niya. Diary ng Panget ang pinakaunang magiging movie ni James as an actor. Nagkaroon na rin siya ng mga TV Shows noon but for this movie like Nadine and Andre, he also do a lot of acting workshops bilang paghahanda sa character niya. Also since Bench model si Cross Sanford ay lagi rin ito nagpupunta sa gym.
"Right now, It’s kinda confusing but NO I AM NOT" Yan ang mga binitawan niyang sagot para sa huling katanungan ng Pandayan Bookshop kung siya ba ay nasa isang relasyon as of this moment.
So kung Nadine ay gusto magfocus sa kanyang career and si James naman at confused. May pag-asa pa ba na matuloy sa totohanan ang tambalan nila?
For more updates regarding on Diary ng Panget The Movie please visit www.pandayan.com.ph








