Ang saya. Sobrang saya lang talaga. Nasa bahay palang kame nila ranncel ang saya na. Nagpaplano palang dahil nga biglaan. Yung pagkaen, yung inumin, yung pagsswimmingan. Tapos paguwi, masaya paden hanggang sa sama sama kameng bumili ng kakainin nameng tsitsirya, yung tubig namen, yung plate namen. Hanggang sa jeep na sobrang ingay namen. Alam mo yun? Yung feeling na andaming nangyare eh. Andaming planong hndi natuloy. Ang daming taong sinama, inaya, tumanggi pero heto kahit anim lang kame natuloy kame. Ang daming problema pero nagiging masaya pden. Di nga kame natuloy sa Casa Ynez Resort eh na talagang destination namen. Kulang kase kame, kailangan daw 20 kaya bumagsak kame sa Crytaland. Maliit lang, hndi ganun kalaki. Parang indoor pool lang. Tatlong pool, pero since konti lang tao dalawang pool lang ginamit. isang pambata tsaka yung isa pang adult syempre ;) Ang saya kase ang konti ng tao na parang kame lang din talaga. Nakakaubos ng pera yung videoke, pero wala din kaseng nagkuripot kaya nagenjoy sa kantahan. Lahat ng maisip ginagawa. Halos parang inarkila mo nga lang yung buong venue eh sa konti ng tao na hndi namn ganun nagkakasabay magsi-swimming. Ang tibay namen kase talagang sinulit namen yung 150 namen. Talagang 4:30 kame umahon kahit kame nlang anim yung nasa pool, since 5 naman yung tapos namen. Sayang nga eh late na namen nalaman yung sa pagrent ng room sana nakapagrent kame at dun na nagpahinga. Hndi ganun nakakapagod pero masakit sa katawan syempre pero ang saya lang sobra. Diko din naman inexpect na magiging ganto kasaya kase nagkaproblema din naman. Pero tama nga sila, piliin mong maging masaya kasama ng mga taong magpapasaya sayo ng totoo at magiging totoong masaya ka, yung walang halong pagkukunwari at kasinungalingan sa sarili mo. Nawalan ako ng 500, nalaglag ata sa kung saan saan pero parang wala lang saken. Nakakapanlumo pero ewan diko pinapansin eh, kase parang wala lang talaga although ang laki nun at kailangan ko na yun mamaya. Ewan, siguro kase mas nangingibabaw yung kasiyahan ko ngayon kaya diko pa naiisip yung ganong bagay. Thank God at naging successful tong swiiming nato at naging masaya and syempre safe po kame hahaah! Since graduating nga daw Hahahaha! Wala eh, mas malakas faith namen Sayo kesa sa mga sabi sabi nila :) And Thank You so much for that :)
Sa ngayon, magpapahinga na muna ko :) Tsinek ko lang yung mga nagpasa na kagroup ko sa PGNC, ako kase leader eh :3 Since isa pa lang nagpapasa, (kase yung tatlo sa kagroup ko kasama ko kanina HAHAHAHA! ) Tutulog muna me :) Good Noght mga mahal. Salamat sobra kong nagenjoy :* Labyu all