aNg kolehiYala at aNg gridSkuler
Anong daw pinagkaiba ng blackboard sa whiteboard? Ano daw?
Sa blackboard, abcd lang ang nkasulat tapos kokopyahin mo lang. Sa whiteboard, x and y lang di pa maintindihan.
Sa blackboard, aalamin mo lang ang susunod na shape mula sa tatlong circle. Sa whiteboard, susukatin mo pa mula gitna hanggang dulo pati ang buong sukat ng bilog gamit ang mga formulang nakakarinding memoryahin.
Sa blackboard, may division pa ang mga nakasulat na nagmumukhang kwadernong pangmalakihan. Sa whiteboard, tanging yung mga nakikinig lang ang nakakaalam sa pagkakasunud-sunod ng bawat katagang nakasulat.
Sa blackboard, ang chalk laging sumusulat.Sa whiteboard, ang marker hindi.
Sa blackboard, laging natuturingang excellent student na forever volunteer pag may pinapasagot si maam sa pisara. Sa whiteboard, talo pa rebelde kung magtago sa ulo ng kaklase wag lang pasagutin ang pahawakin ng wyteboard marker.
At higit sa lahat.....
Sa blackboard, pag nabasa walang pasok. Sa whiteboard, pag nabasa pinupunasan lng, ok na agad -.-.
Isn't ironic?
Some things make sense but sometimes, some things just doesn't.







