“Dalwang taon.”
Ganon nga ba talaga kadaling bitawan yon?
Marahil sa iba napakadaling sabihin na magmove on,
pero para sa kagaya kong matindi ang pagpapahalaga,
ang dalwang taon di ko kayang bitawan basta-basta.
“Magmove-on kana”
mga salitang madalas kong marinig sa kanila
na tila ba pumapasok lang sa aking mga tenga
pero sa puso at isip ko ang kahulugan nila
ay kinalimutan o kalimutan kona.
“Dalwang linggo”
Dalwang linggo nako nagmomove on.
pero bakit yung sakit nung iniwan mo ako,
tila para lang nangyari kahapon? dalwang linggo
na ako nakakulong sa sakit at kalungkutan.
Napakahirap, Oo.
na bawat pagpikit ng mata ko
mga ala ala mo ang nakikita ko.
bawat pintig ng puso ko
pangalan mo ang sinisigaw nito.
kaya sasabihin kong mahal parin kita.
Oo, martyr mang tawagin ng iba.
pero kase yung dalwang taon
hindi ko basta basta kayang itapon.
Kaya heto ako,
sa bawat araw na natakbo
umaasa at umaasa padin sayo
na balang araw muli mong
maiisipang kumatok sa puso ko.
Ang sakit
ang sakit kasi hindi
ko, malaman kung saan
ako nagkulang, kung saan
ako nagkamali, Hindi ko alam
ang nagawa bakit mo ako
basta iniwan sa ere.. Iniwan
ang hindi alam ang dahilan.
Pinipilit nila ipaintindi na hindi
mona ako mahal pero
msyado pasaway ang puso ko,
kasi hanggang ngayon ikaw parin.
Ikaw parin ang gusto ko makasama
madame tanong sa isip na hindi man lang
masagot. Natatakot ako kasi pag nagtanong
ako, hindi mo ako pansinin.
Kakayanin,
Kakayanin kung maging masaya
kahit wala kana. Kakayanin kong magsimula
ng wala ka. Ganun man ang nageng dulo naten
pero wala ako pinagsisihan.
Kahit ilan taon o kahit ilan dekada,
ikaw at ikaw parin ang gusto at gugustuhin
kong balikan. Mahal na mahal kita mahal ko.
Paalam,kasi sa dalwang taon
na yon, subra mo ako minahal at pinaramdam
kung maging isang prinsesa.. Salamat sayo..











