Finding the best version of me.
Sagada, Mountain Province
Photograph by: Chantal Nobong
seen from United States

seen from United States

seen from Poland

seen from Poland
seen from United States

seen from United States
seen from Sweden
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from T1
seen from Japan
seen from United States

seen from United States

seen from France

seen from India

seen from United States

seen from Germany
seen from United States
seen from United States
seen from United Kingdom
Finding the best version of me.
Sagada, Mountain Province
Photograph by: Chantal Nobong
Nakakaloka talaga!!! @kweksnaps #soundson 🤣😜 #chikahan sa #damuhan (at Central Luzon State University)
Dahil ang gaan mong kasama Partner 💓💓💓 #damuhan 😁🐛
Was it Coincidence?
naexperience mo na ba yung mag-sched post ka sa blog mo ng one month ago pa na tipong nakalimutan mo na nga... tapos bigla syang lalabas sa feed mo at mapagtatanto mo swak ang laman nun sa nararamdaman mo today... eh ang magpost ng isang fictional story na after one week eh nagkakatotoo?
Ang weird lang kasi... parang sinadya ang lahat pero wala akong kinalaman dun ah... I don't believe on coincidence, pero bakit ganun na lang yung nangyari? basta ang weird.
Gamit ang aking Panulat, Mapangiti kita… Sana.
“Tantaran..choochooroochooroo..tantaran c♫♫” (sa saliw ng pamosong awitin ng isang lokal na artista sa telebisyon).
Magandang Araw! Ako si Zacarias at ‘yan ang paborito kong pampasiglang tugtugin. :)
Isa akong kampayero at romantiko. Na walang kupas ang kakulitan at angking kalaliman. Oo, kalaliman… malalim akong magisip at hinahaluan ko ito ng taglay kong natural na kakulitan.
Bahagi na ng araw-araw kong buhay ang aking panulat. Mahalaga ito, importante, mahalaga sa akin basta! Iyon ay sa kadahilanang sa araw-araw kong pag-sabak sa aking buhay trabaho at buhay mag-aaral isa ito sa aking sandata, aba! Gayundin sa pakikipagtagisan ko sa kampayan at maging sa biyahe ng aking buhay.
Sa araw-araw kong buhay bahagi na ang aking panulat at mas lalo na ang aking lumang pulang kamera. Laman palagi ng aking bulsa ang aking itim o bughaw na panulat at laman naman ng aking munting sisidlan ang pula kong kamera. Bukod kasi sa gawain ko sa araw-araw na madalas kailangan ng panulat. Ako din ay nangangarap na maging potograpista. Para kasi sa akin, mas magandang mag-bahagi ng saya sa pamamagitan ng potograpiya. At ang paborito kong kunan ng larawan? Walang iba kundi ang masasayang eksena ng buhay. Ang kalikasan. Ang bawat ngiti ng mga tao sa lansangan. At lalong lalo na ang kasiyahan. Naniniwala kasi ako sa kasabihang ingles na “Ang katuwaan o kasiyahan ang pinaka-mahusay na medisina.”
Hayaan n’yong ibahagi ko ang mga kwentong naitala ko nitong mga nagdaang taon, buwan at pati na din ang nagdaang araw..oo! Kahapon ang tinutukoy ko.
Sisimulan ko sa pagkahilig ko samusika.
Isa din akong panatiko ng mga astig na banda. At sa bawat lirikong tumatatak sa aking puso at isipan ay agad-agad ko itong isinusulat sa aking munting talaan upang ito’y di ko makalimutan. Gaya ng awiting “gabay” ng siakol, eto ang nai-tala ko’ng bahagi ng liriko oh…
“Kaluskos ng dahon Huni ng mga ibon malayo sa dilim ng kahapon Hampas ng mga alon Kasiyahan sa nayon Mga batang naglalaro lang maghapon Simoy ng hangin, sari saring tanawin Paligid na iyong tatahakin Pagkat walang sawa kitang aarugain Sa paraisong pinaglalagyan natin.”
Awiting nagpapakita ng pagpapahalaga sa ganda ng buhay sa nayon. Isa lamang yan sa maraming lirikong aking naitala sa aking munting talaan gamit ang aking panulat. Para kasi sa akin bukod sa sorbetes at banana que na pampawi ko ng kalumbayan, malaking tulong din ang musika para manumbalik ang sigla ng aking puso sa panahong ako’y nalulumbay at nangangamba.
Sa trabaho mayroon din akong natutunan tungkol sa pagpapahalaga sa likha ng Maykapal..heto’t ikekwento ko.
Naalala ko noon, lumipat kami ng bahay tanggapan/ opisina. Dahil dating abandonado ang napiling lipatan marami ditong nanirahang mga insekto at kauri nito. Kaya naman dumating ang isang araw na pinapapatay sa akin ang mga ligaw na alupihan sa harapan ng aming bulwagan, at ang nasambit ko “Itataboy ko na lang po sya, may buhay din po kasi sila nakakaawa.”
Yun kasi ang natutunan ko sa isang kaibigan sa dati kong trabaho. Na lahat ng bagay na may buhay mapa-insekto o hayop kahit gaano kalaki o kaliit pa sila ay may buhay na dapat pinahahalagahan din.
Dumako naman tayo sa kwento ng aking kaibigan, ang bigay n’yang panulat at buhay tropa.
Base sa aking obserbasyon ang bawat tao ay may mala-seryeng tabing ilog na talambuhay na maaaring maitala gamit ang munting panulat, mailathala sa peryodiko (basta dapat magsisilbi itong inspirasyon sa iba ha!) o mas todo na kapag naisadula sa telebisyon gaya ng tabing ilog na serye noong dekada nobenta (napanood o naabutan nyo ba yun?). Bakit ko nasabing mala-tabing ilog ang buhay tropa ng bawat tao? Yun ay sa kadahilanang sa bawat kwentong pagkakaibigan dumarating ang awayan, pagkahulog sa isa’t isa at pagkawala ng isang miyembro dahil sa mga di masagot na katanungan gaya ng in-ahas ba siya ng kabilang grupo? Nagsawa na ba sya sa atin? Ayaw na ba nya sa atin? At iba pang di mabilang na katanungan. Kaya naman gusto kong ibahagi ang natutunan ko sa pareko’ng si Lucas. Sa simula ng taong pampaaralan di ko inakalang magiging sanggang-dikit kami. Mas barako s’yang tingnan sa akin.. astig na maituturing kumpara sa akin na lampayatot. Sino ba namang mag-aakala na kami’y magiging mag-tropa, paano nga ba kami naging magtropa? Yun ay dahil lamang may pareho kaming kaklase na naging ka-kulitan namin at yun nagtagpo kami at nagkasundo sa iilang mga bagay. Una naming engkwentro? Sa panahon ng pagsusulit kung saan lahat kami ay di pinalad makakuha ng pagsusulit dahil may balanse pa kami sa aming matrikula. Kaya nauwi kaming magkakaklase sa isang bahay inuman.. nagka-aliwan ng aliwan at yugyugan ng yugyugan (oo, yugyugan bako-bako kasi ang kalye noon kaya naman sa pampasaherong jeep, kami ay nagyuyugyugan.) Napadalas ang pagsasama namin sa inuman at lakaran at doon natuklasan namin na magkasalungat kami sa madaming bagay. Seryoso sya, makulit at kengkoy ako, kaya sa dulo ng inuman kami ay nagkakapikunan. Pero di nagtagal at natuto naming tanggapin ang katangian, ugali, kahinaan at talento ng bawat isa kaya naman ngayon, isa sya sa iilan lamang na tinatawag kong parekoy. Isang kaibigang pangmatagalan. At sa nabuo naming tropa gaya ng seryeng tabing ilog, may nagkahulugan ng loob at nagkatuluyan, may mga lumisan/lumayo na inaasahan pa din naming babalik sila na dati naming kaibigan. At ang di ko malilimutan? Ang panulat ng parekoy ko na madalas kong inaarbor at walang pag-aalinlangan naman nyang ibinibigay sa akin. Si parekoy at ang kanyang ibinigay na makabagong pluma ay talaga namang malaking bahagi na ng aking kwentong di lang pampelikula…..pangisports din sana?
Heto naman ang naitalang handog mula sa ibang tao gamit ang kulay asul kong naarbor na panulat.
Isa akong taong mahilig magpahalaga sa mahahalagang araw ng iba at maging sa mga handog na ibinigay nila sa akin, mapa-maliit o malaking bagay at mas lalo na sa handog na kabutihan, pagkakaibigan at kasiyahan. Kaya naman may bukod akong talaan ng kaarawan at mahahalagang araw ng mahahalagang tao sa buhay ko. Dito itinatala ko gamit ang aking panulat ang mga kaarawan nila para di ko malimutang bigyan sila ng munting handog o regalo o kaya’y mabati man lang. Sa talaan ding yun, isinusulat ko ang mga karagdagang masasayang pangyayari sa aking buhay mapasimpleng tawanan, inuman at asaran. Oo, pati asaran. Dahil sa bawat asaran at pikunan ng mga taong nagmamahalan ay mayroong magandang naidudulot ito sa bawat isa. Napagtitibay nito ang magandang samahan.. Isang halimbawa ng handog kong naitala nitong nakaraang kaPaskuhan ay ang handog na lente ng aking magulang, noon daw kasing kabataan nila ay may dala-dala na silang lampara pagsapit ng gabi na nagsisilbing gabay nila paglalakad patungo sa kanilang tahanan sa baryo. Kaya naman bilang nagiisa nilang anak na lalaki na nakikipagsapalaran sa mala-gubat na mundo dapat daw ay mayroon din akong isang lente na magsisilbing lampara ko sa gabi-gabi kong paglalakbay sa minsan din naman’g madilim na buhay. At sana ikaw din..oo ikaw! Nawa’y ang bawat isa sa atin ay magsilbing lampara sa iba. Magbigay liwanag tayo sa kapwa natin na mistulang nalugmok sa dilim ng buhay.
Ang pluma at ang Liham
Tulad ng nakararami ako din ay nahulog sa patibong ng pag-ibig. At kung ako’y tatanungin, (Tanungin mo na ako oh? Sige na!) masasabi kong masarap umibig. Masarap masaktan, manamis-anghang ang lasa. At isang malaking hamon ang umibig. Madami na akong napayuhan tungkol sa buhay pag-ibig at lahat ay nagtatanong kung kamusta naman daw ba ang sarili kong kwentong pag-ibig. Hayaan n’yong ibahagi ko ang leksyon at nalalaman kong katotohanan patungkol sa pag-ibig. Isa na nga rito ay ang pagsusumikap na maabot ang sintang iniibig. Kahit anong layo pa nya, kung mahal mo sya gagawa at gagawa ka ng paraan maabot lamang sya. Maaring hindi sa aspetong pisikal bagkus maari na din sa aspetong konseptwal. Ang naisip kong konsepto? Ang makalumang paraan ng pagpapahayag ng pag-ibig, ang pagpapadala ng liham. Naging mapag-hamon ang konsepto kong iyon sa kadahilanang di ko sigurado kong ano ang tamang lugar na kanyang tinitirhan. Paano ko maipapadala ang liham kung di ko alam ang lugar nitong tamang patutunguhan? Ang pag-ibig ay isang malaking hamon din, sabi ko sa sarili ko kaya ginalugad ko ang mundo ng google mahanap lamang ang kanyang lugar tirahan. Umabot ako sa kuyukot ng Luzon, pero swerte pa din dahil di ako umabot sa Visayas maging sa Mindanao. Tsaraaaan!! Natuklasan ko na ang lugar ng tirahan ng aking sinisinta, ang hamon naman ay alin sa mga nagalugad ko ang tamang lugar? Dun ko naman natutunan na ang pag-ibig ay isang sugal. Kaya naman ang sabi ko sa aking nililigawan, “susugal ako, sana nga makaabot sa’yo ang aking liham..”. At ang magandang balita? Nakarating sa tamang lugar ang aking liham. Ang liham na buong puso kong sinulat gamit ang aking makabagong pluma. Isang liham pasasalamat. Bukod sa aking sinisinta, pinadalhan ko din ang aking rakista’ng utol ng liham pasasalamat nitong nakaraang kapaskuhan lamang.
Yan ang ilan lamang sa aking naitala gamit ang minsan asul at kadalasan ay itim kong panulat. Kwento ng pag-ibig sa kaibigan, pamilya,kalikasan at maging sa kapwa. Marami pa akong gustong ibahagi sa muli kong pagsulat. Hanggang sa muli mga kaibigan!
Sumasainyo, Zacarias.
Pssst... Pagpasensyahan nyo na kung ako’y putak-ng putak dito sa aking simpleng akda.
At dahil natapos mo nang basahin ang aking akda. Maaari bang pakisagot ang mga sumusunod? Maghanda ng kalahating bahagi ng dilaw na papel. (Pwede din ang kulay bughaw at luntian).
Inspirado ako habang isinusulat ito.. Napansin mo ba? Nahalata mo ba?
At higit sa lahat, Nakangiti ako ng isulat ko ito. Napangiti kita…. sana?
Oh, isang ngiti naman d’yan?
Ito ang aking lahok para sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy.
***** Ang akdang ito ay delikado este dedikado sa UTOL kong RAKISTA na nagengganyo sa aking lumahok sa patimpalak. At isang handog pasasalamat kay Mang Moises na s’yang naging gabay namin upang mapadpad sa damuhan.
Ang damuhan sarap humiga sa damuhan at nakatingala sa langit nakaka alis ng sakit sa damdamin..