HAPPY HAPPY 25th, Baby Daniele! <3 <3 <3 <3 <3
Hello Honey/Mommy/Baby ko! HAPPY HAPPY 25th month sa ating dalawa! :)) Akalain mo yun, 25 months na tayo at magtatagal pa. <3 Alam mo namang naka-taxi na tayo papuntang FOREVER, 'di ba? Hahahaha. MAY FOREVER! :P Salamat kasi andyan ka kapag may problema ako at nasasabihan kita ng problema ko at kahit papaano, gumagaan pakiramdam ko. Salamat sa pakikinig sa mga sumbong ko kapag may nakaaway ako kung saan. Salamat kasi kapag kailangan ko ng maiiyakan, andyan ka para punasan ang mga luha ko. Salamat kasi kapag may gagawin ako, andyan ka para suportahan ako. Ikaw ang number 1 fan ko. Salamat kasi kahit alam kong nabuburyo ka kapag nanonood ka ng laro namin ng basketball kasi sobrang galing ko(joke), nabuburyo ka dahil alam kong hindi ka mahilig sa sports pero andun ka pa rin at nagtiyagang manood kahit na buryong buryo ka na sa laro. Salamat kasi andyan ka kapag nagkakaroon ako ng injury kapag naglalaro, andyan kang sinisermunan ako at hindi na muna pinapaglaro para makapagpahinga. Salamat sa pagpapatunay na andito ka lagi sa tabi ko. Salamat sa LAHAT. Alam kong hindi pa matatapos ang pagpapasalamat ko dahil hindi matatapos ang kung anong meron sa atin. Marami pa akong dapat ipagpasalamat. :)))
Alam kong madami akong naging kasalanan noon pero ngayong naging tayo ulit, sisiguraduhin ko na HINDI NA KITA PAPAKAWALAN AT HINDI NA MAUULIT YUNG MGA KASALANAN KO NA 'YUN. MAHAL NA MAHAL KAYA KITA. <3 Ang dami ko ding pagkukulang sa'yo noon kasi high school pa lang at hindi pa masyadong nag-iisip kung ano ang tama. Medyo childish pa tayo noon. Hahahaha. :P
Sorry kung may nagawa akong hindi maganda noon. HINDING HINDI NA MAUULIT YUN, PANGAKO. Sorry kung minsan, matigas ang ulo ko at hindi sumusunod sa gusto mo kahit na alam kong yung gusto mo na 'yun ay makakabuti din sa akin. SORRY. Sorry kasi ako lang 'to. Minsan, hindi na makontrol ang sarili at bigla biglang nagagalit. Pero Baby, simula ngayon, AKO ANG MAGIGING BEST NA LALAKI PARA SA'YO FOREVER. Sorry kung nagkaroon ako ng pagkukulang sa'yo. Sorry kung naghanap ako ng iba. (Inamin ko na para alam ng lahat). Nangako ako sa'yo na HINDI NA MAUULIT PA 'YUN. Sorry kung minsan, hindi ko maibigay ang gusto mo at kailangan ko pang pag-ipunan ng medyo matagal. Eh wala eh, estudyante pa lang. Pero kapag nagkatrabaho na ako, hindi na aabutin ng matagal bago ko maibigay ang gusto mo o gusto kong ibigay sa'yo.
Honey, SOBRANG THANKFUL ako kay God na nakita at nakilala kita noon. Buti na lang pala talaga tambay ako sa open area sa school nun at naglalaro ng sipa. :)) Ituloy po natin 'to Honey. WALANG BIBITAW AH? I LOVE YOU TO INFINITY AND BEYOND~! Hinihintay na lang tayo ni Dale, Cailen, Luigi Jr., at Danz. <3 ILOVEYOUSOMUCHBABY!:*********** Salamat po sa 25 months na pangungulit, pagmamahal, at madami pang iba. I'M VERY THANKFUL TO HAVE YOU, Baby Daniele. AKIN KA LANG!













