Kanan At Kaliwa
After two years nagkita ulit tayo
Aminado akong kabado ako
Panu pag ganito, panu pag ganyan? Mukha kong gago
Hanggang ngayon baliw pa din ako sayo
Sa muling pagkikita, parang napako ang aking mga paa
Tatayo na ba ko? Hoy paa gumalaw ka na!
Bakit parang nanghihina ka na?
Tayo na! Andiyan na siya!
As you say "HI" para kong biglang naging high
Puyat lang ba ko? Bakit parang unti unti na kong bibigay
Oh my!
Ang ganda mo pa din, walang kupas walang umay!
Kapag nagsasalita ka parang lyrics ng kanta
Ang iyong tawa parang musika
Isang concierto na may orchestra
At ikaw ang singer ng banda
Kapag nagtatagpo ang ating mga mata
Dasal ko'y wag kang bumitaw sinta
Sana makita ng iyong mata kung anung aking nadarama
Oo na! Aaminin ko na. GUSTO PA DIN KITA
Sa totoo lang di ko alam kung panu mag uumpisa
Panu ba to? Itatanung ko na ba kung kamusta ka na?
Marami akong gustong itanung at ikwento
Ngunit sa tuwing ibubuka ko ang bibig ko
Hindi ko mahagilap ang mga salitang sasabihin ko sayo.
Oo na! Torpe pa din ako
Di ko pa din alam ang gagawin kapag napapalapit sayo
Anu bang bago? Nanghihina pa din ako pag nadidikit sayo
Kung ako si SUPERMAN ikaw ang KRYPRONITE ko.
Sa tuwing tinititigan kita
Lumilipad ang isip ko sinta
Ngayon ba handa ka na?
O sadyang wala na talaga?
Patapos na ang oras parang tumutunog na ang alarm clock
Ang bilis ng tibok ng puso ko, oh f*ck
Anu na? Anu ba? Magsasalita na ko?
Itatanung ko na ba kung pwedeng mag-umpisa ulit tayo?
Muling nagtagpo ang ating mga mata
Sa pagkakataong ito, alam ko na
Di mo na kailangang sambitin pa
Alam kong wala ng pag-asa, ang nakaraan ay TAPOS na TAPOS na
Hindi naman ako gaanong umasa
Gusto ko lang ding masagot ang tanung ko noon pa
Kumpirmado at sigurado, GUSTO PA DIN KITA
Ngunit sa pagkakataong to TAMA NA sinta
Naglakad tayo ng sabay ngunit sa dulo ng pasilyo dun tayo nag hiwalay
Ang iyong huling pagkaway
Sinuklian ko ng ngiting abot kilay
Kasabay ang pagtibok ng puso ko na walang humpay
Sapat na sa akin ang araw na ito
Nasilayan, nakasama at muli kong narinig ang tawa mo
Baka sadyang dito na lang tayo
Sa KANAN ka, sa KALIWA naman ako












