Maiba lang sa post kong malungkot kanina
One of the happiest nights ever ay noong debut ng kapatid nya. One week kami hindi nagkita na tanging text lang muna communication at kahit na sobrang iksi ng time namin na magkasama noong gabing un e sobrang kilig naman 😊 Oo sinabi nyang lilibot kami sa mga kamag anak nya para magbless kami. That's my second time na gagawin un kaya sabi ko sa sarili ko e wag kakabahan. Nameet ko na naman sila before noong birthday ng pinsan nya. Pero di ko inaasahan na halos lahat pala ng table meron syang kamag anak! Yung iba ngayon ko lang nameet. Medyo kinabahan. Todo pakilala sya sakin. Kinongrats pa kami nung isa nyang pinsan na parang kinasal na kami. Haha. And then natapos pagpapakilala sakin. Turn na namin to give message to the debutant. Nung makita ng MC na ako pala yung tinawag nya, nagulat dahil ako pala daw ung ipinapakilala kanina sa relatives. Nahihiyang natatawa na lang ako na pumunta sa unahan. Feeling ko nakatingin lahat sakin. Haha. Pero sa kabila ng pagkahiya kong un, deep inside e kilig na kilig na ako kahit noong mismong pinapakilala ako. Sobrang saya lang. 😊








