At Mineski Portal!
seen from United States
seen from China

seen from United States
seen from China
seen from China

seen from Malaysia

seen from Ukraine
seen from Maldives
seen from China

seen from Malaysia
seen from Ukraine
seen from Singapore
seen from Germany
seen from China

seen from Ukraine

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from Japan

seen from Canada

seen from Malaysia
At Mineski Portal!
12/19/11 - Christmas party
Babala medyo mahaba 'to. Pindutin ang letrang J sa inyong mga keyboard para ma skip ang post na 'to. Pero kung gusto mo basahin e 'di go!
Sa una tinatamad pa ko bumangon 6:00 yung alarm ko pero 6:15 na ko tumayo at 6:40 na ko naligo, nagmuni muni muna kasi ako sa bahay. Hahaha.
6:50 - 7:20 - Hinintay si JP
7:20 - 7:25 - Naglakad patungong sakayan ng tricyle
7:25 - 7:30 - Bumalik sa bahay naiwan ni JP yung IP nila. Pakyu JP.
7:30 - 7:50 - Naghanap ng taxi sa EDSA pero wala. :(
7:50 - 7:55 - No choice nag tricyle
8:00 - 8:10 - Travel time tapos syempre siguro 8:10 nasa school na kami 'di ba? :))
So yun na punta na sa kanya kanyang classroom. Una kong nakita si Ced at na baliw na siya wag niyo na tanungin kung bakit. After a few minutes dumating si Gabe na naka superman shirt at varsity jacket (as expected). So yun nag dougie battle, banat battle, simon says, kumain at nag exchange gift na kami. Nakakuha ako ng cologne na bigay ni Jules na walang tumblr. BTW Kimpoy/Jimboy tawag namin kay Gabe kanina. Tinitilian ba naman nung mga babae habang dumadaan e.
Pagkatapos nun e naglabasan na ang mga estudyante. Kanya kanyang gala na yan. Unang plano namin MOA pero walang pera yung iba so napunta kami sa farmers at nag DotA na lang. Pagkatapos nun pumunta kami sa bahay nila Gabe para kunin yung SLR niya at dumiretso na kami kala JP para mag photoshoot. After magpaka vain ng mga tao or should I say ni Gabe e nag tagu-taguan kami. Wala lang, trip namin eh. Ang galing galing ko isang beses lang ako nataya. Hihihi.
Deyl: Iiwan ka din niyan.
Deyl: Mas mahalin mo kaibigan mo.
Deyl: Kasi pag iniwan ka niyan. Samin ka din pupunta.
Deyl: Tignan mo ko mahal na mahal ko TxD.
Deyl: Pero mahal pa kita
E: Ako hindi na
Deyl: Pa loadan kita?
E: I love you baby tayo na ulit
Si Blueminded at si Freya.
Sabi nila makikita mo daw ang pag-ibig pag hindi ka naghahanap. Siguro itong storya ko ang magpapatunay neto. Ako si Deyl, isa akong gamer at ang lagi kong pangalan sa laro ay Blueminded. Isang araw habang naglalaro ako ng Rohan, bilang isang competetive na tao nag abang ako ng mga player na pwedeng patayin. May lumabas na character na nag ngangalang Freya. Pinatay ko agad siya at tinrashtalk ng "Bobo mo dapa!" nag respawn na lang siya't hindi ko na nakita.
Makalipas ng ilang araw ay nakita ko ulit siya. Naisip ko pa na "Destiny 'to!" Ngayon, hindi ko na siya pwedeng patayin kasi magka party kami. Sinabi ko na lang sakanya na "Sorry nga pala pinatay ko character mo. Hindi na mauulit" "Hahaha. Ok lang yun." Sagot niya. Simula nun ay lagi na kami magkasama sa party. Sabay mag pa level at sabay din pumatay. Hiningi ko ang friendster niya dahil yun pa ang uso noon at hiningi ko pati na din ang number niya. Nalaman ko na din ang tunay niyang pangalan, isa sa mga pangalan na 'di ko makakalimutan ang pangalang Karen.
Isang taon na din kaming magkaibigan pero 'di pa kami nagkikita. Sinasabi niya sakin ang mga problema niya at sinasabi ko din sakanya ang mga problema ko. Hindi ko sigurado pero nalaglag na ata ako sakanya. Isang araw naisip kong tanungin siya kung pwede bang manligaw. Pero sinagot niya sakin "Hindi ko kaya LDR eh." Sinabi ko naman "Yun lang? Kaya natin yun eh." Ito na, pinayagan niya na ako manligaw. At ngayon sigurado na ako. Mahal ko na siya. Akalain mo yun? Possible palang magmahal ng taong 'di mo pa nakikita. Isang taong 'di mo pa nahahawakan. Pero nararamdaman mo na nandiyan siya para sa'yo.
Anim na buwan na akong nanliligaw at hindi pa din kami nagkikita. Hindi siya nag text sakin ng isang linggo. Nag-aalala na ako dahil 'di din siya online sa Rohan. Wala hindi siya nagpaparamdam. Pagkatapos nun ay may natanggap akong text mula sakanya. "Ayoko nang friends lang tayo. Tayo na ah. Gusto na kita makita." Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kinakabahan ako na may halong saya. Sa wakas kami na.
First monthsary namin nung una kaming nagkita. Nandito na siya, nayayakap ko at katabi ko na. May pinagtunguhan ang paghihintay ko. Biruin mo halos dalawang taon kami magkakilala at ngayon kami na. Masaya ako, nakikita ko na ang mga ngiti niya at ang kanyang mga mata. Wala nang papantay sa saya ko.
Nagkikita kami dalawang beses sa isang buwan. Ganoon man ay masaya ako, bawat oras na magkasama kami ay sinasagad ko. Minsan lang kami mag-away, kung mag-aaway man kami may tamang rason at magkakabati din sa huli. Wala saming ma pride, kung mali e mali. Tinatanggap ang kasalanan. Mahal na mahal ko siya at hindi ko na siya papakawalan.
Hanggang sa dumating ang hindi inaasahan. Pang limang monthsary namin yun, nahuli kami ng kuya niya na magkasama. Nalaman din ng parents niya. Hindi ko naman alam na bawal pala siya magka boyfriend. Dapat pala naghintay na lang ako. Hindi pwede 'to, bigla na lang siyang bumitaw at 'di na kami nag-usap ulit. Naka block na ako sa facebook niya at 'di na din niya sinasagot ang mga tawag ko.
Nag-usap kami ng maayos. Tinanggal niya ang pagka block sakin. Alam namin pareho na mahal pa naman ang isa't isa. Lalaban pa ba kami? Hindi na niya kaya. Nahihirapan na siya. Sinasabi niya sakin na sumusuko na siya pero mahal niya ko. Tapos na ba ang aming storya? Hanggang dito na lang ba? Siguro nga, oras na para bumitaw pero kailanman 'di ko siya makakalimutan ang babaeng unang nagpatibok ng puso ko. Ang babaeng nagpakita sakin ng totoong pagmamahal. Ang babae sa pangalan na Karen.
Gabe: how-to-go to alabang town center ced and gabe's style = taxi
Deyl: LRT to taft Jeep to MOA =)) fastest way IMO.
Ced: bayaran nyoko tag 50 ako bahala =))