Ito ang araw ng Christmast party namin. Gumising ako ng parang normal na pasukan lang at nagpahatid sa mama ko. Bago pumasok sa school ang alam ko bawal magdala ng gadgets, at dahil dun hindi ko nadala yung DSLR at tinago ko sa sapatos ko yung Cellphone ko. To my surprise wala palang inspection sa Gate ng school at hindi namin kinukuwa ang gadgets. So yun text lang ako ng text ng kung sino sino.
Nung una medyo boring yung Christmas party namin, kaya nga text nalang ako ng text. Pero nung nag simula naman yung program medyo naging masaya naman. Nag Dougie dance battle, Pick up lines battle, at Simon says. Badtrip nga lang yung group yourselves into bla bla bla natanggal agad ako dahil dun!
Ang ganda pa ng mga nakuwa kong regalo. Hindi dahil gusto ko yung nakuwa ko pero dahil gusto ko yung nagbigay. Yung una yung galing kay Faye. siya lang ang tanging crush ko sa buong school namin at siya pa nakabunot sakin. Akalain nyo yun? Binigyan nya ko ng T-Shirt na hangang ngayon hindi ko pa binubuksan.
Pangalawa kong nakuwa ay galing si dating ko crush at alam kong mahal ko na siya kaso hindi talaga nag work out. binigyan akong kahoy na ewan ni Sunshine na nakalagay sa taas "Friends Forever". Tangap ko nadin naman na Friends lang kami. Okay na nga sakin yun eh.(panget siya e HAHA joke lang bitter<<<) kaso pag icocompare mo talaga gift niya kay faye na hindi ko kaclose at crush ko lang talaga. Talo talaga siya!
Pagtapos ng Exchange gift nag Dance battle na yung Boys vs Girls at taga Cheer lang ulit ako. Kung sino mananalo hindi na kailangan gumawa ng isang project sa english sa 4th Quarter dahil Head naman ng english department yung adviser namin. So ayun ang ganda ng prinesent ng mga kaklase kong lalake at nagkalat lang yung mga girls. Nanalo sila at wala na kaming gagawin na project!
Pagtapos nun pinauwi na kami ng Adviser ko. Nagkagulo bla bla bla. Paulit ulit kong sinasabi na ayoko magdota at uuwi ako pag magdodota sila. Tapos ayun pumunta nalang kaming gateway at umikot ikot hangang nagkasundo na magdodota sila JP,RJ,Migz sa shop malapit kela JP tapos yung mga kasama ko maglalaro nalang sa Genex. Ako uuwi nalang sabi ko nung completo pa kami. Pagdating sa genex ang balak ko lang talaga manggulo ng buhay ng mga tao. kaso parang naingget ako at naglaro nalang din ng DotA. Dinurog namin sila Pedz at friends niya ng tatlong beses.
Pagtapos maglaro ng DotA nagbalak kami tumambay at magpicture picture sa Rooftop nila JP. binalikan lang namin saglit sa Bahay nila Gabe ang DSLR niya at nilakad na namin ang bahay nila JP. pagdating dun nanood muna sila ng Transformers bago kami umakyat sa Rooftop.
Pag akyat sa rooftop nagpicture picture onti, onting kwentuhan. Tapos yun nagpakabata kami at naglaro ng Tagu Taguan. Ako yung unang unang taya at ewan natuwa na kami. Humabol pa nga si pedz eh. Haha
Overall very fun day.
sana naenjoy nyo din araw nyo!