Why am I so depressed? Ayokong umalis siya. Naiisip ko palang na lilipat sila, na aalis siya, na iiwan niya ako.. Naiiyak na ako. Kahit pa sabihin natin na masaya naman naging araw ko ngayon, Pag magisa nalang ako at naaalala ko yung thought na yun.. Hindi ko mapigilang hindi maging malungkot. Alam ko naman na kaya namin tong LDR, pero yung thought lang na matagal ko siyang di makakasama, ang sakit na. May tiwala naman ako na mahal niya ako. Hindi naman siya nagkukulang sa pagbibigay ng assurance. Hindi siya nagkukulang sa pagpapaalala sakin na pagsubok lang to.. Pero.. Bakit ang sakit pa rin? Bakit sobrang lungkot ko pa rin? Selfish ba ako kasi nalulungkot ako kahit na alam kong para sa kinabukasan niya yun? Hays. Pag-ibig nga naman.















