Agnes, hindi mo kasalanan, wala kang maling nagawa kung bakit hindi mo kayang magpatawad; kung bakit naging manhid na ang puso mong iniwan nang paulit-ulit hanggang sa wala ka nang maramdaman. Agnes, tumahan ka na, ihahon mo na yang mukha mo mula sa pagkababaon mo nito sa unan mong sawa na sa iyong mga buntonghinga. oras na muli para mabuhay, magtanim at huminga na walang luhang dumadampi sa mga mapupula mong pisngi. Agnes, hindi mo man maturaan yang puso mo magpatawad sa mga taong tumalikod pagkatapos mangako nang walang iwanan, aminin mo rin, hindi mo rin mapigilan yang puso mo umibig at ibigin pang muli ang taong bumabalik, kumakatok ulit sa pinto ng puso, nagsusumamo, naghihintay, at nasasaktang nagdadasal na tanggapin mo siya ulit. kaya Agnes, hawakan mo na siya sa kamay, sa braso o sa kahit saan pa, higpitan mo, lakasan mo, at sabay niyo nang tahakin ang daan patungong forever. para pucha, magsimula na itong pag-iibigang matagal nang natuldokan pero pilit binabalik at hihigitan. para pucha, magsimula na itong bagong kwento ng pagmamahalan na matagal nang naikuwento at pilit ulit ikukwento ng mga kwentotero ng telebisyon. para pucha, makita na nang fans ng kathniel kung paano maghalikan ang bawat isa, hindi lang sa noo, hindi lang sa ilong, kundi sa labi na this time. kaya Agnes, huwag ka na raw mag-inarte at taposin mo na yang forever mo. *letse