Kagandahan ng lipunan, ating panatilihin.
seen from United States

seen from T1
seen from Norway
seen from United States

seen from Netherlands

seen from Norway
seen from Türkiye
seen from United States
seen from China
seen from China

seen from Singapore
seen from China

seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from Italy
seen from China

seen from T1
seen from Singapore
seen from Canada
Kagandahan ng lipunan, ating panatilihin.
Ang nilalaman ng aming simpleng blog ay tungkol sa kahalagahan at maitutulong nito sa kabataan para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon. Makikita din dito ang pagpapaunawa sa aming kapwa estudyante ang pakakaruon ng mayamang kaisipan ay magagamit sa pagpapaunlad ng ating wika at panitikan. Makikita din ang mga ilang imahe at bidyo na nagpapakita kung saan at paano nagkakaruon ng iba’t-iba pang lenggwaheng magagamit sa pakikipagtalastasan ang kabataan. ANG DISENYO NG AMING BLOG: ang aming napiling background ay isang crumpled na papel kung saan maihahalintulad ang pagbabagong naganap sa ating wika. Noong una, ito ay isang puting papel na malinis at walang lukot ngunit nang ‘di naglaon, ngayong makabagong panahon, unti-unti itong nagkadumi at nalukot. Kung saan ang dahilan ay ang pag-usbong ng iba’t-ibang sosyalisasyon na nagpauso ng iba’t-ibang lenggwahe na kapwa namang mga balbal lamang. Samantala, mapapansin din na may isang lapis sa disenyo ng aming blog. Ang lapis ay sumisibolo sa pag-asang mayroon kami na naging inspirasyon namin para sa adbokasiyang ito. Naniniwala kami na may pambura pa, may pag-asa pa na mabura ang mga masasamang salita na nagpadungis sa imahe ng ating wikang pambansa. At ang pansulat naman ng lapis ay ang edukasyon ng mga kabataan ngayon. Ang edukasyon ang kanilang sandata para makapagsulat ng magandang kinabukasan para sa ating bayan. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan at kung maibabalik muli ang dating kalidad ng wika na mayroon tayo, tiyak naming ang mga kabataan ay mapapahal muli sa pagsusulat. Mamahalin din nila muli ang wika at ‘di magtatagal ay magagamit nila ito sa pakikibaka sa buhay.