Pag alam mong mahal ka ng partner mo, wag kang KAMPANTE, wag ka ding ABUSADO. Isang araw gigising ka nalang, SAWA na siya kakaintindi sayo, kakasuyo sayo. Worst pag nagsawa ng mahalin ka. BABAE man o LALAKI parehas lang e. Ganun kase tayo, pag alam nating mahal tayo ng tao, hindi na natin naiisip na nasasaktan din sila. Oo mahal natin sila. Pero wala namang perpektong tao diba? Pero sana din, UTAK muna, bago PUSO. Isipin mo kung pano mo aalagaan ung taong mahal mo, kase isa lang siya sa mundo. Oo, marami siyang kamukha, o sabihin na nating maya mas maganda/gwapo pa sa kanya. Pero hinding hindi ka na ulit makakakita ng tulad niya. Pasalamat ka nga may nag mamahal sayo at tanggap ka. Kase, naiisip mo ba? IKAW ang pinili niya kahit na napakadaming mas better. Makuntento ka kung anong meron ka, para sumaya ka.