'Wag na 'wag mong liligawan ang isang babae dahil lang sa rason na “You want to fix her.” ‘Wag daanin sa awa ang lahat aba. Hindi naman sila mga broken Barbie na kailangang kumpunihin. Tao ang mga ‘yan, may coping mechanisms, medyo nagbbuffer lang minsan ang sa iba pero makakaget-over din naman ‘yan.
Para ka lang “Crown Bond” (yung local na Mighty Bond hahaha, alam mo ba yun? Nevermind hahaha) na pansamantalang aayos sa kanya, pero marupok ang pagkakaayos at temporary lamang ang epekto. Masisira at masisira lamang siya ulit. Mas malaki pa ang damage kesa sa original, kasi naman, umepal ka kahit na alam mong hindi naman talaga ikaw ang Mighty Bond niya na alam mong tunay at karapat-dapat na umayos sa kanya.
-‘Yung kadramahang naisip kong sabihin noon sa isang kaibigan dahil lang nakakita ako ng Mighty Bond!BOOM!
Isa ito sa mga nakakatuwang status ni Ate Nix bago sya magdeactivate na animo’y may taning na ang buhay. Pero hutaena! Pinaiyak nya ako nung sinabi nyang di na sya babalik. (LOL. Ang ewan ko.)
Kidding aside, nagets mo ba yung meaning ng post na yun?
Minsan kasi, dumarating yung punto na ipinagpipilitan natin yung sarili natin sa iba. Yeah! I get it!
Maaari ka nang kumanta ng “Kung ako nalang sana ang iyong minahal, di ka na muling mag-iisa. Kung ako nalang sana ang ‘yong minahal di ka na muling luluha pa.” gamit ang microphone ng inyong kapitbahay na hinuhulugan ng limang piso.
Nakakaasar kasi nagmumukha kang kawawa. Minsan, naisip mo na o nasabi mo na sa sarili mong. “Punyeta! Ang tanga ko pala talaga. Kaso mahal ko sya eh.” Pero dude naman, umayos ka.
Kapag nagbreak sila nung gf/bf… Party rock anthem ang trip mo sa buhay. Pero hangga’t hindi sila nagbibreak ay Better Than Revenge ang hinithit ng playlist mo. Anak ng pucha dude! Ano yung lalaki/babae, waiting shed? Naghihintay ka lang?
Tengene. Tapos pag nagbreak, todo comfort ka, para lang “S/He is with me even in the darkest days of my life. So therefore, he truly loves me.” ang peg ni girl/boy na cinomfort mo.
Tanga ka ba? Wag mong ipagpilitan ang sarili mo. Magmumukha ka kasing bola… In short, rebound ka lang. Bale! I’m not saying this para maramdaman mong “The blame is on me.” O di kaya ay mag declamation ka ng self composed mong tula na “I, myself against the world.”
Tanga ka rin kung iisipin mong mas sasaya ang babae pag niligawan mo siya kasi unang - una, mararamdaman nya yung awa mo. Punyetang awa yan! Wag ganun. Please lang boys, hindi kayo si Superman na kayang gawin ang lahat. Sa huli, masasaktan kalang at pati sya. At ang huli, ay aasa sya. Naman po! Santisima! Tapos pag namisinterpret nya yung tungkol sa inyo… aruy! HAHAHA
Ang sinasabi ko lang, mahihirapan sya at, mahihirapan ka’t masasaktan rin ala X raised to 999th power.
To sum it up: Wag syunga. Wag pumayag sa bale. Wag ring ipagpilitan ang sarili. Wag idaan sa awa. :3