Tataggalugin ko na lang dahil nahihirapan na 'ko. Kawawa naman ako. Kaso tama ba pagkakaintindi ko jan?
Una sa lahat, ako ay isang Katoliko Romano. Pero dahil sa mga na-realize ko sa buhay, ako ay isang Katoliko na gustong maging Born Again Christian. Bakit? Wala lang trip ko lang para maiba naman. Nakakasawa na kasi sa relihiyon ko na sumasayaw ang mga santo.
Pangalawa naman sa lahat, bakit nga ba gusto ko maging Born Again Christian? Una sa lahat, uulitin ko, wala lang trip ko lang diba? Pangalawa, kung totoong papansinin mo ang mga tradisyon sa Katoliko, mapapansin mo na madaming parang MALI. Tulad ng Second Commandment na inalis sa Ten Commandments at hinati ang pang-sampung commandment sa dalawa para maging sampo ulit. Buksan mo ang Bible at tignan mo ang Ten Commandments na naka-ukit sa simbahan ng Katoliko, ikaw na ang mag-husga. Meron pa! Ang mga SANTO. Tao lang din sila na binigyan ng rebolto at parang sinasamba. Hindi sila diyos pero bakit parang ganun na nga ang ginagawa? Dun lang ako medyo naguluhan. Bakit kaya ganun? Tapos sinasayaw-sayaw pa nila. Ahaha parang ano lang. Sabi pa nung nagp-preach dahil daw MASAYA. Pero wala akong magagawa tradisyon sa relihiyon ko 'yon e. Meron pa! Yung pangungumpisal. Oo, para sakin mali din 'yon dahil nakasaad sa Bibliya na kung hihingi ka ng kapatawaran sa Diyos ay dapat "Straight to Him" at wala nang paligoy-ligoy na pinapadaan pa sa pari na tao lang din. At kung hihingi ka ng kapatawaran, siguraduhin mong mula sa puso mo at hinding-hindi mo na gagawin.
Kung magbabasa ka ng mga Historical Books, tulad ko ahaha, ang mga Romano ay mga dating pagano hanggang sa dumating sa kanila ang salita ng Diyos. Pero dahil sa dati silang mga pagano, hindi nawala ang mga tradisyon ng mga rebolto na hinahalik-halikan pa ng mga sinasabing DEBOTO sa amin. Kaya hindi natin masisisi kung bakit ganoon ang tradisyon sa relihiyon namin. Tradi-tradisiyon lang yan. Kaso masasabi mo bang hindi 'yon idolism? Kung babalikan mo ang Dark Ages, madaming napatay ang mga Roman Catholic para lang sumunod sa mga binago nilang Commandments at sarili nilang mga utos. Maski mga mismong Catholic na nagsasabi na parang may mali sa tradisyon ng simbahan ay pinaslang nila. Madami pa, magbasa ka na lang ng Historical Books at ng Bible.
Ang mga sinasabi ko ay sana hindi bigyan ng malisya ng mga kababayan ko at hindi 'to anti-catholic. Ito ay hindi ko sariling opinyon. Ang katotohanan ay ang Diyos. Basahin mo sa sarili mo ang Bible o iba pang mga Historical Books. Katoliko din ako pero gusto kong maging Born Again Christian. Dun lang ako tinablan sa mga Words Of God at naging aware sa lahat at natutong magbasa ng Bible. Isa pa, nakakatulog ako sa simbahan ng Katoliko tapos ang dami ko pang nakikitang magka-holding hands, nagte-text at mga naglalandian sa loob ng simbahan. Hays.
Naging aware lang ako, sana ang mga kababayan ko din.
http://www.the-ten-commandments.org/romancatholic-tencommandments.html