Tungkol sa ‘kin (05022019)
Kumusta? Ako, eto o...key pa naman?? Tanong talaga e noh. Abang-abang na lang ako ng grades namin sa CPE. ‘DI ko pa naiisipan magreview, siguro ‘pag nakapag-online application na ‘ko para sa LET exam ay saka sisismulan ang pagsususnog ng kilay. Ang pinagkakaabalahan ko ngayon bukod sa pagpasok sa trabaho ay ang akin instagram at tumblr account (follow mo pala ‘ko dito --> @lorenzdyornal kung gusto mo makita o mabasa ang mga ipopost ko). Ngayon lang ako naglakas ng loob na isalin ang buhay ko sa social media. Meron akong dyornal dito sa bahay kaso ako lang ang nakakabasa at medyo confidential ang mga nakasulat du’n. (kala mo talaga e noh) Kaya ko pala ginawa ‘tong dyornal thing na ‘to ay para i-document ang buhay ko. Gusto ko mapabasa sa inyo ang paglalakbay ko patungo sa mga pangarap ko sa buhay. Ang drama na ba? Hahaha. Basta dito ko isasalin lahat ng tumatakbo sa isip ko at sana ma-inspire o mag-enjoy kayo sa mga ipopost ko dito at sa instagram. Adios













