Sa kabila ng pagiging abala ng nakararami sa kaliwa't kanang party, nandito ako, nakakulong sa bahay. Dahil halos isang linggo rin akong inabisuhan na lumiban muna sa trabaho. Isang linggo akong tengga dito, naghihintay na sa kinabukasan ay kahit papaano'y okay na ako. Nakakapraning palang isipin kung papaano ko bubunuin ang mga araw na lilipas, kasi paulit-ulit na lang ang mga gawain. Wala rin naman akong makausap bukod sa nanay ko na abala naman sa pagbantay ng apo niya. Maliban pa sa pag aaral ng piano keyboard, pagpipinta, pagbabasa at panonood ng mga pelikula ay maghapon din akong babad sa mundo ng social media. Mukha ni ganito, mukha ni ganyan, opinyon ni Juan, opinyon ni Maria na nakakasawa nang pagmasdan. Ilang araw pa ba akong magiging ganito? Hirap kasi magkasakit, lalo na't kinakailangang umiwas dahil baka makahawa sa iba. Ang saklap naman ng ganito, pati yung nabunot ko hindi ko mabibigyan ng regalo. Habang ang mga katrabaho ko'y magpapakasaya ako eto nakahiga, nakikinig sa mga sintunadong nangangaroling na mga bata haha. Nawa'y sa paglipas ng linggong ito ay masasabi kong magaling na ako. Dahil sobrang di na mapakali ang dalawang paa ko.













