HARDCORE TIPS DURING HEAVY TRAFFIC #EDSApocalyse
1. Magbasa... ng text ng iba. Alangan namang text messages sa cellphone mo. May nagttxt ba? O kung gusto mo i-text mo ang sarili mo ng “Hi, can you be my txtmate?” tapos replyan mo “Hu u?!”
2. Manood ng videos sa cellphone. Pero dahil naka free data ka, isipin mo na lang na hindi mo ito nabasa.
3. Magdala ng videoke machine. Kantahin ang “Bukas na lang Kita Mamahalin” dahil bukas ka na din makakauwi. Makipag-duet sa katabi at magpanggap na hindi ka naiiyak kahit deep-inside ang sakit-sakit na.
4. O para mas masaya, pakantahin ang lahat ng pasahero sa jeep para kunware High School Musical.
5. Makipag-usap sa katabi tungkol sa kasalukuyang problemang kinakaharap ng bansa at Itanong kung sino ang iboboto niya sa darating na eleksyon. Tapos saka mo landiin.
6. Magbalat ng butong pakwan habang pinapanood sa harapan yung dalawang magjowang sweet, naglalaplapan at punong-puno ng pagmamahalan. Habang ikaw, single. Mag-isa. Nangungulila. Sabay sigaw,
“Walang poreberrrrrr!!!”
7. Dala ka ng unan. Matulog ka. Isipin mo panaginip lang ang lahat. Isipin mo hindi trapik. Isipin mo kayo pa rin. Na mahal ka pa rin niya. Na ikaw lang sa buhay niya. Malay mo paggising mo...trapik pa din.
8. Sulitin ang trapik. Spend more time with your jowa. Malay mo last niyo na yan.
9. Maglaro ng kahit anong games sa cellphone mo. Sanay-sanay ka diyan pati paglaruan ang nararamdaman ng iba. Yung sasabihin mo seryoso ka tapos laro-laro lang pala. Top Score ka nga diyan pota ka.
10. Kapag may nangholdap, wag ng pumalag at itanong ito sa mahinahong paraan,
”Kapag ibinigay ko ba ang lahat-lahat hindi mo din ako sasaktan?”
11. Magdala ng panggantsilyo. Diyan ka naman magaling di ba, pagbuhol-buhulin ang mga bagay-bagay para magmukha kang tama. Para ako yung lalabas na mali. Para ako yung palaging mag-sosorry.
12. Ilabas ang tambol at lata sa loob ng bag at magsasayaw sa loob ng jeep at isa-isang iabot ang mga sobre. Malay mo may maglimos ng konting #Pagibig.
13. Pumlakda sa bubong ng jeep at magtawag ng pasahero.
“Kulang pa! Kulang pa!.... Kulang pa ba ang lahat ng ginawa ko para sa’yo?! Ginawa ko naman lahat ah!”
“Sakay na. Aalis na to mamaya! Lahat naman ng bagay umaalis di ba?!! Pasasakayin tapos Iiwan din tayo!!!”
“Luwag pa dito! Yung hindi niyo na kelangang ipagsiksikan yung sarili niyo sa iba!”











