The dreaded day..
A month ago, I was contemplating what will happen if this day came. I was not prepared.
Joke HAHAHA! Drama ng pusanggalang intro enebe.
So ayun nga. A month ago, after or before christmas yata whatever, binigyan nga ako ni tita Nida ng invitation at ako'y sobrang nagulat dahil kasama ‘ko sa 18 candles tapos unang-una pa. Aba naman! Baka naman kasi pwedeng sabihan ako bago ilagay yung pangalan ko don. Ayon, inis na inis ako nung mga panahon na ‘yon.
Tapos kanina, dumating na ang araw na pinaka-ayaw kong dumating. HAHAHA! Eh kasi naman anong sasabihin ko sa debutant eh nyemes di naman kami close!
Edi ayon, ganda-ganda ko kanina kasi naka-dress at heels at make-up si Lexi! Kabog-ey mas maganda pa 'ko sa debutant hmm! Pak na pak with 360 para sa economy! 😂
So ang speech kong ingles ay umani ng paglait mula kay Arriza'ng panget HAHAHA pa-english pa daw ako langya! Eh ano lang naman sinabi ko jusq! “Let resilience reach the temples of your face everytime you look at someone. Happy birthday!” Yun lang naman! Wala namang big deal don eeeehh 😂
Oh ayon na nga. Kasama sa 18 roses sina Third, Elymar at Eidref tapos sa 18 blue bills yata si kuya Biboy. Ngunit dahil siya'y nasa bansa kung saan nandoon ang pag-ibig kong si Liam Payne, hindi siya nakarating. Ang saya ko lang HAHAHA!
Pero may bago 'kong nakita na hindi ko inaasahan huhu. Nakita ko si Fourth. Sa lahat ng maaari kong makita, bakit si Fourth pa? Jk HAHA! Eh kasi nga si Third yung nakalagay sa invitation. Napakalinaw ng Marcelo Siblag III dun tapos pagdating ko, may lalaking naka-maroon na hindi yata nakakakita ng barbero sa sobrang sipag mag-aral. Hanep na yan kabuhok na niya si Pi.
Pagkatapos nyang isayaw si ate Jhen, pasok ulit siya sa loob. De syempre, OP sya kasi nagtatawanan kami nila Angela tapos di nya kami kilala.
Kilala nya pala 'ko kasi ako yung nangungulit sa kanya sa FB dati nung mga panahong kailangan ko ng kuyang matalino WAHAHAHA 😈
De ayon, pinakilala kami ni ate Rovie Ann sa kanya tapos sabi niyang ganon sa'kin, “Pinsan kita?” Tapos sabi ko “hindi! Girlfriend mo 'ko! Aangal ka pa?” Tapos lalo yata syang na-awkward-an kaya lumayo sya sa'min.
Tapos dumating naman yung pinsan kong kandidato. HAHAHAHA! Kasi nga nung first time naming magkakilala, nangangampanya sya lol
Tingin nanaman sya, gusto siguro magpa-picture HAHAHA tapos yon. Umuwi na kami’t lahat, wala pa rin kaming picture. Ganda-ganda ko pa naman kanina eh bwisit yon
Ayon lang. Ang gusto ko lang ikwento ay maganda 'ko kanina yun lang bye










