MGA ALAALA NG ISANG KAIBIGAN
10 years na nang tayo'y huling nagkita Hangang ngayon ako'y umaasa Na kahit paano ako ay iyong naaalala Kasi ako, imahe mo'y nasa akin pang gunita Ang iyong bilugang mukha na hawig kay Lea Salonga Pero hangang dun lang dahil hindi ka magaling kumanta May katawang kahali-halina MAyabong na dibdib, at balakang ba walang panama ang iba Pero ang mas mahalaga Ay iyong mabait ka. Madami ka pang ibang katangian; Katulad ng matalino at mayaman. Hatid sundo ng isang magarang sasakyan. Pero, mabait ka. Dahil ako'y tinawag mong kaibigan Kahit tayo'y magkaiba ng kinahihiligan At ako'y ayaw ng iyong mga kaibigan Dahil masyado daw akong komprente sa kinabukasan.
Tatlong taon matapos mong kumuha ng medisina, at ako nama'y nagtratrabaho na, Tayo'y nagkita sa Robinson's MAnila Sabi mo'y tutungo ka na ng Europa Tanong ko kung ika'y bablik pa, At sinabi mong "Baka, hindi na" Iyon na ang huli nating pagsasama 2005 noon di pa uso ang social media, friendster siguro pero di ko tanda. Alaala ko lang ay wala na kong nadinig Sa kung ano na ang bago sa yo sa kabilang panig ng daigdig. Hangang sa umabot ang balitang ikinasal ka na Dun sa boyfriend na sa aki'iy minsang ipinakita Masaya ako para sa yo Dahil mukha namang gusto mo ang itinatakbo ng buhay mo Pero masakit din pala. Dahil alam kong, alam mo na ginusto din kita. Nang yumabong ang FB sa masa hinanap kita at kinumusta Pero taon na ang nagdaan, ako'y naghihintay pa rin sa sagot mong malamang hindi na darating. Kaya madalas kong maisip na ang munting panahon nating kasiyahan ay baka isa lang panaginip At ang tanong na di mawala sa aking isip:
Naging Magkaibigan nga ba tayo?















