PROPESOR
Araw ngayon ng pag-eemote ko ngayon sa aking propesor sa retorika.
Isa sa mga propesor ko na mabait at maunawain. Nahihiya na nga ako sa kanya dahil sa M-W-F naming klase lagi akong late at natatamaan pa na may pagsusulit. Pinakita niya nga rin sa akin dati un grade ko, mataas naman tapos tinanong ko kung ilan na liban ko sa klase niya at akin lang naman nakita na wala niisang late o kaya absent. Ang saya ko lang.
Kaya naman sinabi ko sa sarili ko na papasok ako ng maaga. Sinimulan ko na nga noong Lunes lang, dahil nahihiya na nga ako sa kanya palagi na lang kasi akong late. Pagkagising ko pa lang noong lunes alam ko ng malalate na ako kaya hindi na ako kumain at nag-fx na ako. Pagkababa ko naman ng fx nag LRT na ako hindi rin naman kasi un kabilisan kung sobrang nagmamadali ka siguro 20 minutes un biyahe pag galing ng katipunan. Sumakay na rin ako agad ng tricycle, ilang minuto na lang natitira sa akin sobrang kinakabahan na ako kaya ginawa ko na ang lahat. Halos itaboy ko na lahat ng taong na nasa harap ko, nahihiya man wala akong ibang pagpipilian. 7:05 na noong papasok na ako ng building namin shit lang. Pero ayos lang siguro yun kasi medyo late din siya pumasok sa klase namin ang problema ko lang sa 3rd flr pa ang room ko kaya tumakbo na lang ako para umabot. Nung nakarating na ako sa room namin wala pa siya (YEY LANG NAMAN), pero grabe lang siya NAG-ABSENT siya ng bongga !! Nainis lang ako kasi buwis-buhay ako eh. Pero ayos pa din kasi siguro kasama siya sa mga hindi nakasakay dahil sa strike. Dumating na ang MIYERKULES at siyempre late pa din akong nagising pero ganun padin binuwis ko pa din ang aking pinakamamahal na buhay, naapkan na lahat lahat sapatos ko pati na rin medyas ko muntikan ng matanggal at sakto na akong dumating sa room namin pero WALA nanaman siya at BULLSH*T lang talaga. At kahapon 30 minutes LATE siya. Pumasok pa ang bruha!!
Alam niyo ba yung pakiramdam na nahihiya ako sa kanya kasi lagi akong late pero halos paliparin ko na yung sarili ko para lang hindi na maulit yung pagiging late ko. Ang sakit lang kasi maaga na akong pumasok sa klase niya pero WALA naman siya!!! NAIINIS LANG TALAGA AKO. >:[















