Actually, sooobrang tagal ko ng ninanais na mabili ang Every Bad Thing book ni Anya, na halos kalkalin ko lahat ng wp sales group pati gc na din, mabili ko lang ito pero napakaliit ng chance na mabili ko siya kasi nga bihira ang nagbebenta nito isa pa sobrang tagal na din ito na-published. So ayun na nga, halos araw-araw nagse-search ako sa fb at Shopee, until may nakita akong nagbebenta ng To Be Loved sa Shopee, nilagay ko yung item na yun sa cart ko, nagdadalawang-isip pa ako kung bibilhin ko ba kaya iniwan ko lang sa cart ko basta. Tas ayun hanap ulit ng EBT, until may nakita akong post sa marketplace sa fb, so ayun nakipag-negotiate ako sa seller, di ayos na, that same day sabi ko babayaran ko siya thru Palawan tapusin ko lang Ms.Q&A Grand Finals kako, so pumayag siya. Tapos, ewan ba't nakati-katihan kong i-search lahat ng binebenta nung seller ng TBL, umaasa ako non na may makikita pa ako sa paninda niya na bet ko. waahhh natuwa ako nung makita kong may EBT pala siya at sa pic mukhang bagong-bago pa yung book. So what I did is think of an alibi para di ko na bayaran yung book na previously kong bibilhin sana kasi una, lalayas pa ako para lang magbayad and pangalawa, halata namang overused na yung book tas kulang na freebies kaya ayun, alibi ako haha tas ayun convincing naman. Bago ko pala kinausap yung naunang seller eh ni-make sure ko na na-order ko na both EBT & TBL alam na, baka maunahan pa haha. Ang ending, eto masayang-masaya ako sa books na nabili ko. Sa unang seller na nakausap ko, sorry beh, mas maganda quality ng book ni Shopee seller plus COD pa yun at free SF kaya mas pinili ko siya. Salamat and pasensya na ha! Kita mo naman nabili na EBT mo diba? haha highblood ka masyado sakin lalo nung nagpa-legit check ako haha nakakaloka ka promise! 😂 [33]