Happy Valentine's Day!
Wag na bitter, makakahanap ka naman ng taong mamahalin ka at mamahalin mo, maghintay ka lang. Baka next Valentine's day meron na or sa next ulit. Marami namang nagmamahal sayo lagi mong tatandaan yan. Nandiyan yung pamilya, mga kaibigan mo at syempre si God kaya wag mo masyadong dibdibin na wala kang ka-date ngayon kasi sila naman pwede mong i-date. I-enjoy mo na lang muna pagiging single mo at maging masaya ka na lang sa ibang taong masaya ngayon kasi makikita mo din siya. Right time, right place, right person. At sa mga may ka-in a relationship ngayon, stay strong at hindi lang dapat ngayong araw yung special kasi pwede naman kahit anong araw kung gugustuhin mong iparamdam sa taong mahal mo na mahal mo siya. Happy Valentine's ulit!














