Di naman lingid sa kaalaman nyo kung gaano ko kamahal ang panonood ng basketball at pagsuporta sa team ko. Grabe guys. Di pa din ako nakaka-move on. MGA BADTRIP KASING MGA JUNIORS YAN. Nilahat pala. Tinalo nila kami sa basketball. Still unsure kung maglalaban pa sila for championship bukas pero feeling ko oo eh. Grabe talaga kanina. Ang intense! First time ako makanood ng dikitang laban na hindi sa TV. Akala namin wala ng pag-asa. Lamang na lima yung Juniors. Drive sa basket ng Seniors something basta tapos ayaw ko na i-detalye basta na-foul yung isa sa amin habang tumitira ng tres edi tatlong free throw. Tatlo na lang lamang eh. Kabado kaming lahat. Nashoot yung una. Sigawan. Sumisigaw lahat ng Juniors na mas madaming nasa court nun kasi nagpapractice yung iba sa amin na sana di niya mashoot. Di niya nashoot pangalawa. Pangatlo, shoot na. Bumalik na sa Juniors bola di sila nakascore. Sa amin na, 15 seconds na lang natitira. Ayon, di nashoot eh. Dalawang beses na try. Sayang kasi! Isa lang lamang. Hay. Okay na sana kung tinambakan kami kaso dikitan pusanggala. Nabadtrip ako sa mga mukha nilang nagsasaya. Bitter at pikon here. Basta basketball at team ko ang talo, pikon talaga ko. HAHAHAHA. Alis na kami agad dun. Nakakainis pa kasi halos lahat ng mga tao mapa-ibang year, sa mata ko, chinicheer yung Juniors. No mercy kasi tong mga ka-batch ko mapa-girls or boys sa basketball, siguro dun sila gumaganti. Kahit kamo tambak na, dedepensa pa din. Di na lang pabayaan. Masyado silang enjoy. HAHA. Di ako maka-move on!!! Ayaw kong nakakakita ng blue jersey, nababadtrip talaga ko. Pauwian nanaman nun eh. May next game pa. Juniors versus Seniors girls. Panalo kami. Parang di na nga nagseryoso lahat eh. Nagkikwentuhan na lang sila sa court. Masaya naman silang lahat dun kaya ayus lang. Hanggang ngayon, badtrip pa din ako. Iba talaga epekto pag basketball sa akin. Nakakadala. Plus red jersey kami at blue sila. Parang Ginebra-Purefoods lang at laging nanalo ang Purefoods. Nakakairita. Feeling ko pati Ginebra natalo eh. Nakakaasar!!! Masama ba kong tao kung napipikon ako? Masama ba kung nilalahat ko sa buong Juniors yung badtrip ko? Sorry na guys. Lilipas din to. Mga next year. Hirap pala mag-move on syempre joke lang. Pag nanalo kami bukas, bati na ulit kami ng Juniors. Ako na lang ata di nakakamove on at yung mga players. Akala mo player din ako eno. Basta, Go Seniors!!!